******CHAPTER 40******
ANG NAGMAMAGANDANG PAGTATAPOSMaikling Note ni Author na hindi makapaghintay ng Acknowledgement.
Maraming salamat po sa lahat ng bumasa sa istoryang ito from the start until the end. Lubos po akong nagpapasalamat sa lahat ng sakripisyo ninyo sa pag-aantay ng bawat chapter na ipina-publish kada isang linggo or minsan, hindi pa. Salamat po at sinamahan ninyo ako sa lampas isang taon na pagbu-bunong braso ko sa bawat scenes, sa mga voters ko, sa commentors, at especially, sa mga silent reader na sobrang na-appreciate ko. (kaway naman kayo!)
Hindi nyo alam kung paano nyo ko napasaya.
So tatahimik muna ako okay? Sa acknowledgement na lang ako magmo-moment. See yah guys! Enjoy the last chapter! ^_^ ••••••
------------------
Naririnig ko na ang malakas na sigawan sa labas kung nasaan ako. Parang mga wild yung mga taong nasa labas na kapag pumunta ako sa teritoryo nila ay pag-aagawan nila ang mga laman ko. Char. Pero kinqkabahan talaga ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Iba ito sa tibok na nararamdaman ko kapag nandyan si Eros. Nakakapang-hina ang kabog ng dibdib na ito. Parang hinahampas ng kahoy yung puso ko sa bawat tibok.
Ano nga bang mangyayari ngayon? Ano nga ba ang magaganap? Bakit ako kinakabahan ng sobra?
Isa lang ang sagot dyan.
Ngayon ay ang Big Day ko. Ang "Churvaloo Concert" ko. Ito na yung pinaghandaan ko for two months na hindi ako natulog. Ito na yun. Kaya sana, maging maganda ang kalabasan nito.
"5 minutes before production number!" Sigaw nung producer kaya nagmadali na sa pagme-make up si Andy sa akin. Kasalukuyan siyang naglalagay ng eye shadow sa kanang mata ko.
"Bestie! Araw mo this! Wag mong gagawing hindi masaya ang araw na ito! Good vibes lang at kung magkamali ka man, tuloy ang show, okay?" Tapos na siya sa paglalagay ng eye shadow at sinara na niya yung lalagyan. Pinatayo niya ako para isuot yung first costume ko para sa Prod. Number.
"Okay, pero kinakabahan talaga ako! As in dug dug dug dug dug! Para akong matatae na ewan!?"
"Just believe in yourself and love yourself. 'Cause if you like the way, you that much, oh baby you should go ang love yourself."
"Galeng mo bestie. Talagang nai-sangat mo pa yung Love Yourself ah?"
"Oo naman. Crush ko si Justin Bieber eh."
"Ohh, kay..." Hindi na ako umimik dahil kinakabahan talaga ako at hindi ko mabara si Andy.
Isipin mo Alex. Two hours lang itu. Two Hours. Mabilis lang ang two hours. Kaya ko ito.
"Two minutes before Prod!! Miss Alex and the dancers! Be ready!!" Yumakap muna ako kay Andy to release the tension that is building up in my body.
"Good luck Ope. Alam kong kaya mo iyan. Just believe in yourself. Kaibigan kaya kita! Kaya alam ko ang mga pinagdaanan mong pagsubok at natin. Naging matatag ka sa pagharap ng mga pagsubok na yun. Alam ko yun. Itong concert ba ang inaalala mo? Eh mas madali ito kaysa sa mga lessons ni Maam Drag Ona! Kaya keribels mo itech! Go fight Alex!" Humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya.

BINABASA MO ANG
AKO'Y DYOSA! (COMPLETED)*Editing*
Teen FictionMay mga babaeng magaganda. May mga babaeng katawan lang ang maganda. Meron rin na mga babaeng panget. As in PANGET, with capital letters pa. Wala pang melon boobs. At matatawag mong Model ng Isang Totoong Panget. At iyan si Philexander Christopher...