******CHAPTER 32******
AlexStress.
Iyan ang salitang hindi mawawala sa mga artista. And which is nararanasan ko ngayon. Hayyy stress, papainumin ko talaga ng liquid foundation na hawak ko ang sinumang nakaimbento ng salitang iyan, takte.
Shitness kasi eh. Kung hindi lang ako nagpadala sa bugso ng damdamin nung inalok ako ng walangyang career offer na ito edi sana nasa bahay parin ako nina Eros ngayon at stay strong sa pagiging katulong niya. At specially, panget at poorita pa rin ako.
"Scene Two on screen! Actresses be ready!" Ayan na nga po si Kuya Producer. Tinatawag na ko para sa scene KO. Diyos ko, kinakabahan na naman ako.
"Uy bestie ha, kalma lang. Magli-lip sync ka lang naman sa scene na ito eh. Tapos gagalaw-galaw ng konti ayon sa sasabihin ni Direk. Kaya mo iyan. Tandaan mo simula pa lang ito." Sabi ni Andy. Humawak pa sa nanlalamig kong kamay.
"Oo na! Alam kong simula pa lang ito. Pressure ka eh.."
"Joke lamang! Sige na, tawag ka na oh?" Sabi niya at itinuro niya yung Producer na naggo-go signal.
Kaya ko ito. I can feel it.
I can feel na mauutot na ako na ewan. Packness.
Naikwento ko na ba ang mangyayari sa scene na ite-taping ngayon? Malamang hindi pa, kasisimula pa lang ng chapter di ba? Si author wala nang masabi. Char.
Anyway, ang mangyayari sa scene na ito ay ang part ng Frozen Movie na kakanta si Anna(which is ako at proudly) ng For the First Time in Forever with ka-landian throughout the kingdom. Tapos makikilala ko si Hans na oh-so-much-pogi kahit sa personal. Ang pangalan yata niya ay Chris Pine, american actor na gumanap sa Into The Woods.
Nagsimula na ang taping.
"3 2 1, action!!"
Magsisimula ang kanta sa paggising ko. Gigisingin ako ng isang maid ng palasyo at hindi ko marerealize na Coronarion Day na pala ngayon ni Elsa(Which is si Dria Malande). Magmumuni-muni muna ako sa kama then saka ko marerealize kaya babangon ako ng mabilis at kukunin agad ang gown ko na susuutin. Dun magsisimula ang pagkanta ko.
The window is open, so's that door
I didn't know they did that anymore
Who knew we owned eight thousand salad plates?Kinareer ko talaga ang pag-acting at pagsasabuhay ng role ko kahit na may kaba pa rin sa aking dibdib. Nagli-lip sync rin ako ayon sa naririnig kong music sa paligid.
For years I've roamed these empty halls
Why have a ballroom with no balls?
Finally they're opening up the gatesSa ngayon, hindi na ako kinakabahan. Ramdam ko na sa sarili ko ang kakerehan ni Anna habang naglilibot ako sa buong area. Yup, area lang at hindi totoong castle ang pinagte-tapingan namin. And it also means na nasa green screen studio lang ako nagro-roaming in the empty halls. Ngayon ko lang narealize, ang kuripotsie pala ng staff and crews ng movie na ito. Tss. Hindi afford ang real living castle. =_=
There'll be actual real live people
It'll be totally strange
But wow, am I so ready for this change!"Cut!" Haay si Direk. Enjoy na sa ginagawa yung tao eh. Feel ko na yung scene eh. Tapos ipapa-cut? Tapyasin ko kaya yung malaking ilong nito? Charot. Iimik ka pa Alex? Gusto mong mawalan ng trabaho?
"Change setting. 10 minutes to prepare! Now! Move, move, move!!" Ma-awtoridad na utos ni Direktor Ilong-- este Direktor Long. Long ang apelyido niya. Aangal pa?

BINABASA MO ANG
AKO'Y DYOSA! (COMPLETED)*Editing*
Teen FictionMay mga babaeng magaganda. May mga babaeng katawan lang ang maganda. Meron rin na mga babaeng panget. As in PANGET, with capital letters pa. Wala pang melon boobs. At matatawag mong Model ng Isang Totoong Panget. At iyan si Philexander Christopher...