******CHAPTER FOUR******
(Andy at the media)
Xander's Pasingit na POV
(Pa-singit lang po ng POV ni Xander. Para mas makilala natin siya. Haha)
Hello guys! Xander's here again! Not there, but here! Na-miss nyo ba ako? Kasi kayo, na-miss ko. (Yieee, Kilig much)
Sorry na po kung nawala ako nung mga last days. Nagpa-check up kasi ako sa family Doctor namin regarding sa sakit ko.
Oo, may sakit ako. Di ko alam kung malala o hindi pero sa tingin ko ay di naman malala, tama lang at malulunasan pa naman. Haha. May Lung Cancer nga pala ako, Stage 1. Ang cool di ba? At di pa naman malala yun di 'ba? So kaya ko pa ito pigilan para kay Alex. Haha. Pero ang seyoso niyan mga pre, Di ko alam kung bakit ako nagkaroon nito kasi di naman ako naninigarilyo at nagiinom. Basta dumapo lang sa akin na parang ipis yung sakit. Parang trip niya lang umatake sa akin at patayin ako paunti-unti.
Sabi ng parents ko, wag na daw akong pumasok kasi mapapagod daw ako sa School at bawal talaga sa akin iyon. Pero syempre nagpumilit pa rin ako na pumasok sa school. Kasi gusto kong magkaroon ng kaalaman at matututunan, dahil hindi naman ibig sabihin na may sakit ako ay hindi na ako dapat maka-tanggap ng edukasyon at matuto. At isa pa, nandoon kasi ang inspirasyon ko para mas lalo pang mabuhay at lumaban sa sakit ko. Si Alex.
Oo, siya nga. Si Alex, ang panget, pero cute at nakakatawa na si Alex. Hindi ko nga alam kung bakit ako nahulog sa kanya kasi sabi ng iba (Pero di ko sinasabi, dahil ayoko at masakit sa akin) na panget daw siya. Na mukha siyang Gorilla at Palaka in one. Na puro bato ang mukha niya. Pero siguro, nagustuhan ko siya dahil sa ugali niya na naiiba sa mga taong nakakasalamuha ko. There's something different in her. And I really like it. Her kindness, her smile, her personality, I can say that I'm definitely in love with her, so deeply.
Guys, wag ninyo sasabihin iyon ha, kasi baka magkagusto rin sya sa akin. Ayy, ang kapal ko. Haha. Pero seryoso, ayoko talaga na mahulog ang loob niya sa akin. I know it sounds weird kasi ako lang yata ang tanging tao na humiling na hindi mahalin ng kanilang minamahal, pero promise. Hindi siya dapat umibig at sobrang mapalapit sa isang tulad ko na may sakit at walang kasiguraduhan ang pagtatagal sa mundo. Ayokong makikita siya na umiyak dahil wala na ako, dahil patay na ako. Hindi akosure kung magtatagal pa ang buhay ko sa mundo, at kapag nawala ako, baka mawala rin ang pagiging masayahin niya.
Kaya guys, pinky swear, wag ninyo sasabihin. Pramis magpapakita na ako bukas sa school. Kita kits! Basta pangako nyo iyan ha. Haha.
-----------------
Ope/Alex
Ilang linggo na matapos ang madramang kuwento ni Andy at ang biglaang pagkawala ni Xander ng hindi man lang nagpapaalam. Haayy, sana naman um-attend na siya ng klase. Miss ko na yung spiritual lessons niya at nakaka-laglag-ng-panty-at-bra niyang ngiti.
By the way, Sabado today at wala kaming pasok. Wala rin kaming homeworks at group projects kaya masarap ang buhay ko ngayon. 10:00 AM na ako nagising at nagliligpit pa lang ako ng higaan ngayon. Napasulyap ako sa salamin at nakita ko ang mukha ko. Psh, walang pinagbago. Panget pa rin ako. May tulo pa ng laway sa kaliwang Pisngi. Iww talaga ako. Inaamin ko.
"Thanks God it's Saturday! TGIS! Yeah!" Magtatatalon na sana ako sa saya pero may naalala akong nakaka-badtrip na bagay. "Ampotcha. Kasama ko nga pala ang demonyita kong Madaam Auntie, kasama pa ang imapaktita at feeling kidnapper niyang anak. Psh, badtrip. Hindi ako makaka-gimik dahil bukod sa wala akong pera. Kontra na naman ang magaling na si Haily. Haaayy na------"
BINABASA MO ANG
AKO'Y DYOSA! (COMPLETED)*Editing*
Teen FictionMay mga babaeng magaganda. May mga babaeng katawan lang ang maganda. Meron rin na mga babaeng panget. As in PANGET, with capital letters pa. Wala pang melon boobs. At matatawag mong Model ng Isang Totoong Panget. At iyan si Philexander Christopher...