Pagktapos maibaba ni Nyx ang mga gulay nila sa trading post ay sinabihan niya ang isang tauhan nila na antayin lang siya dahil bibili muna siya ng tinapay para sa mga magsasaka.
Pinuntahan niya ang bakery na pinakamalapit nang makabunggo niya ang kababata niyang si Laurie.
"Uy, Laurie! Tuloy tayo sa Sabado ah. Miss ko na mag-SM."
"Oo naman. Basta doon tayo magkita sa pinagkikitaan natin ha."
Tumango-tango siya bago inabot ang mga pandesal.
"Uy, alam mo na ba ang balita?"
Kumunot ang noo niya. "Anong balita?"
"Iyung boyfriend mo...si Greyson..."
That got her attention. Greyson has been her boyfriend for three years already. Nitong nakaraang limang buwan ay tila bigla itong nawala sa radar. Hindi niya ito matawagan o kahit sa text ay hindi ito sumasagot.
Kababata rin niya ito at kasa-kasama nila ni Laurie hanggang paglaki. A year after she got her Masters in Business Administration, niligawan siya nito at agad naman niyang sinagot. They had minor to no problems in their relationship.
Sa Maynila ito nagta-trabaho at umuuwi buwan-buwan. Siya naman ay tumutulong asikasuhin ang farm ng mga magulang niya. Minsan ay siya ang lumuluwas kung wala talaga itong oras.
Kinukulit niya si Laurie kung ito ba ay kino-contact ni Greyson.
"Anong meron kay Greyson? May balita ka ba roon? Hay. Nagtatampo na ako sa kanya."
Wala naman siyang maalala na pinag-awayan nila bago ito naglaho bigla. Maging ang mga magulang nito ay walang masabi sa kanya. Baka lang daw busy ito kaya hindi siya nakakausap.
"Ah...may nakakita raw sa kanya sa may 7-Eleven kahapon. May kasama raw na babae. Mukhang hindi tiga-rito."
"Ano bang sinasabi mo Laurie?"
Bumuntong-hininga ito. "Teka ha. Hindi ko rin nakita, friend. Ayaw ko ngang sabihin sa iyo pero ayaw ko namang marinig mo pa sa iba."
"Baka pinsan niya? O kamag-anak?"
"Oo nga. Baka nga. Pero kung nandito naman na pala siya, bakit hindi ka niya tinatawagan? Sinubukan ko nga kahapon pero wala pa rin. Nagpalit na ata ng number."
"Pwede mo ba akong samahan? Magbababa ulit kami ng mga kamote at carrots bukas. Magkita tayo ulit."
Tumango-tango naman ito. "Oo sige. Magtanong-tanong na lang din ako."
"Sige."
Her mind was pre-occupied as they travelled back to the farm. May isang oras din na biyahe iyon. Nang makarating sa bahay nila ay napansin kaagad ng nanay niya ang hitsura niya.
"O bakit ang haba ng mukha mo?"
Nangalumbaba siya sa mesa nila. "Kasi 'nang si Greyson nakabalik na raw. Pero may kasamang ibang babae."
Nameywang ito. "Hay naku, Nyx. Hindi na bago iyang mga ganyan sa relasyon. Maraming tsismis. Bago ka maniwala, dapat makita mo mismo anak na may kasama siya. Mahirap na mag-away kayo sa maling akala."
Napatango na lang siya. "Pero bakit hindi pa rin niya ako tinatawagan?"
"Baka busy lang, anak. Mabait na bata si Greyson. Hindi niya magagawa iyon sa iyo."
Tulad ng mga magulang ay mataas rin ang tingin at malaki ang tiwala niya sa nobyo. They grew up together kaya nakita ng mga ito kung paano si Greyson bilang tao. Malapit din ang mga pamilya nila lalo na noong naging sila.
BINABASA MO ANG
Versailles Series: The Nun [COMPLETED]
RomantikNyx A heartbreak makes her turn to the Divine being and enter a convent Her decision is final until she meets him Azrael is the least expected person to sway her and tempt her Each time their eyes meet, she knew something has changed Will she choose...
![Versailles Series: The Nun [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/256425065-64-k408478.jpg)