Nyx woke up in an unfamiliar room. It smelled like antiseptic. Nasa clinic siguro siya ng club.
Bumangon siya at nakita na naka-swero pala siya. Sakto namang pumasok si Doc Lake at ngumiti sa kanya.
"Good morning. How are you feeling?"
"Okay lang naman, Doc. Medyo nanghihina lang. Paano ba ako nakarating dito."
"Dinala ka ni Azrael dito. Sabi niya mukhang may phobia ka sa kidlat. Totoo ba iyon?"
Tumango siya. "Bata pa ako noong magsimula akong matakot sa kidlat. Pati magulang ko hindi nila alam kung bakit at paano ko nakuha."
Lake nodded. "Do you...usually forget what happened? Do you remember like being in a trance?"
"Naninigas ang katawan ko. Naririnig ko ang paligid ko pero parang hindi ko sila nakikita." Napabuntong-hininga siya.
Mukhang si Azrael ang kasama niya kagabi nang mangyari iyon.
"He's worried. I've never seen him that way. I mean anybody will be worried. People here love you."
Ngumiti siya. Ngayon pa nga lang ay nalulungkot na siya iniisip pa lang niya na pansamantala lang siya rito. Babalik din siya sa kumbento kung saan dapat siya naroon.
"They will bring in your breakfast. Ubusin na lang natin ang laman ng dextrose mo. If you feel okay after that, you can go back. May service naman ang clinic."
"Thank you, Doc Lake."
Iniwan na siya nito kapagkuwan. Nang subukan niyang tumayo ay hindi naman na siya nahihilo kaya tumuloy na siya sa banyo. Nang makabalik siya ay isinuot na uli niya ang veil niya. Tamang-tama naman na pumasok ang nurse na may dalang breakfast.
"Good morning po, Sister."
"Good morning. Thank you dito."
"Ubusin niyo po iyan ha. Kailangan niyo po iyan."
Tumango siya.
"Alam niyo Sister, mas gumaganda kayo kapag nakalabas ang buhok niyo."
"Kailangan na lagi kong suot ito kung di naman kailangang tanggalin. Pero salamat." Napatigil siya. "Magkano pala ang room dito? Iyung bill ko saan ko pwedeng makita?"
Umiling ito. "Libre po ang services ng clinic sa mga members at bisita."
"Talaga? Pero parang nasa hotel nga ako."
"Okay lang po talaga, Sister. Kasama po ito sa benefits ng club."
"Ah ganoon ba, sige salamat."
Hindi na nga nagtagal ay pwede na siyang makabalik sa simbahan. Nang makapag-ayos na ay lumabas na siya ng kuwarto.
Napatigil siya sa paglakad nang makita si Azrael na nakasanda sa dingding sa tapat ng kuwarto niya. He's not wearing a suit this time like he normally does. He's just wearing a sweater and jogging pants. Naka-tsinelas nga lang ito. Even his hair is not styled.
"Sir Azrael?"
Doon lang ito nag-angat ng tingin. "Hey...how are you feeling?"
"Okay lang naman. Siya nga pala-"
"Sister!!!"
Sabay pa silang napalingon kay Tabi na sinugod siya ng yakap.
"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito nang humiwlaay ng bahagya.
BINABASA MO ANG
Versailles Series: The Nun [COMPLETED]
RomanceNyx A heartbreak makes her turn to the Divine being and enter a convent Her decision is final until she meets him Azrael is the least expected person to sway her and tempt her Each time their eyes meet, she knew something has changed Will she choose...
![Versailles Series: The Nun [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/256425065-64-k408478.jpg)