Habang buhat ang isang thermos ng hot chocolate ay naglakad si Nyx papuntang Drunk and Sober cafe. Gusto niyang ipatikim kay Tabi ang hot chocolate na binigay ng Inang niya.
Pilit niyang iwinawaksi sa isip niya ang pag-aalala niya kay Azrael. Unlike the other people who asked advice from her, it's only him that seemed like the problem has not been resolved. Hindi naman ito humingi ng advice talaga sa kanya pero pakiramdam niya kailangan nito ng tulong.
Nang makarating siya sa cafe at nadatnan niya si Tabi na nakatingin sa labas ng bintana. Nang sundan niya ito ng tingin ay nakita niya si Calhoun at ang katambal nitong si Asia Vallejo. They were just talking but they were smiling at each other.
Humingi siya ng baso at nilagyan iyon ng hot chocolate. Binigay niya rin sa staff ang thermos para matikman din ng mga ito.
"Bakit hanggang tingin ka lang?" Tanong niya rito kaya napukaw niya ang atensiyon nito.
"Bakit parang ang saya-saya niya?"
"Nasabi mo na ba sa kanya ang nararamdaman mo?"
Umiling ito.
"Then you can't be mad."
Napatingin ito sa kanya. "Sister naman. Akala ko ba kakampi ko kayo."
"Oo naman. Pero hindi ko hahayaan na magalit ka sa kanya nang hindi mo naman sinasabi sa kanya kung bakit ka nagagalit."
Sumimsim ito ng hot chocolate at napatigil. "Bakit parang ibang lasa nito?"
"Hindi ba masarap?"
"Ang ginagamit namin dito sa cafe ay imported cocoa. Pero hindi ganito ang lasa niya. Masarap naman siya. Parang may earthy na lasa pero ma-gatas pa rin." Sumimsim ito ulit at napatango-tango.
"Ako nagdala niyan."
"Talaga Sister? Saan niyo naman nakuha iyung pinanggawa niyo rito?"
"May kilala lang akong gumagawa ng masarap na tablea. Naisip ko na baka magustuhan mo at baka gusto mong ibenta dito sa cafe mo."
"Oo naman, Sister! Basta turuan mo akong gawin ito ha." Tumayo ito at muling tumingin kay Calhoun sa labas. "Hindi ko alam kung anong meron sa pinainom mo sa akin Sister, pero babawiin ko si Calhoun dahil akin siya!"
Naglakad ito palayo at natawa na lang siya. Sana nga ay ipaglaban nito ang nararamdaman nito.
Nasalubong nito ang isang babae na mukhang kakausapin ito pero mukhang mas tutok si Tabi sa planong pagkuha kay Calhoun.
Nang dumako ang paningin nito sa kanya ay ngumiti ito at lumapit.
"You must be her!"
Luminga siya sa paligid pero wala namang ibang tao roon kaya siya siguro ang tinutukoy nito.
She was tall and slim. Iisipin nga niyang modelo ito.
Umupo ito sa kinauupuan ni Tabi kanina. "Hi!" Nakangiting sabi nito.
"Hi....?"
"Oh, silly me. I'm Marceline. Na-kwento ka sa akin ni Tabi. Kakausapin ko sana kaso nilagpasan ako. Ewan ko ba-" Nahagip ng mata nito si Calhoun at Asia na nasa labas ng cafe. "Okay...now I know."
"Kaibigan mo ba si Tabi?"
Marceline nodded. "We're roommates. I own the boutique inside the club." Bumuntong-hininga ito. "I'm a fashion designer. Lagi kong dinadamitan ang mga bagong guests sa club. Too bad hindi kita madadamitan ng gown."
BINABASA MO ANG
Versailles Series: The Nun [COMPLETED]
RomanceNyx A heartbreak makes her turn to the Divine being and enter a convent Her decision is final until she meets him Azrael is the least expected person to sway her and tempt her Each time their eyes meet, she knew something has changed Will she choose...
![Versailles Series: The Nun [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/256425065-64-k408478.jpg)