Kinabukasan, maagang nagising si Nyx para tignan ang mga ibababang gulay at para tumulong na rin maghanda ng agahan.
Sarado pa ang quarters nila Azrael kaya baka tulog pa ang mga ito. Ayaw naman nilang pilitin ang mga itong gumising ng maaga at sumabay sa kanila. Hindi sanay ang mga ito sa klima at sa oras ng mga gawain sa bukid.
Nang makapag-kape ay napansin niya si Azrael na lumabas na ng quarters. He was wearing a thick jacket and the bonnet she gave him. Namumula rin ang ilong nito.
"Good morning." Bati niya rito at inabutan ito ng kape.
"Good morning. F*ck it's freezing." Bulong nito.
Napangiti naman siya. He looked cute all clothed up like a puffy ball with his red nose.
"Sanayan lang. Pero kung hindi ka sanay, lalamigin ka talaga. May time na umabot ng negative temperature dito."
"Isn't that bad for the crops?"
"May frost na nabubuo sa mga halaman. Kailangan namin mag-spray ng tubig pero hindi na rin ganoon kaganda ang kalidad."
"That's sad."
"Ganoon talaga kapag nagsasaka. Iyung mga natural na nangyayari, mahirap kontrolin."
Nilingon nito ang truck na puno ng mga gulay. "You're gonna sell all that?"
Tumango siya. "Ibababa namin sa bagsakan sa La Trinidad."
"That's a lot."
"Minsan mabilis mabenta. Minsan, matumal."
"Can I go?"
"Gusto mong subukang magbenta?"
He shrugged. "Why not?"
"Sige."
They ate breakfast before getting ready. Wala pang gising sa mga kasama nito. Sumakay sila sa pick-up ng ama habang nasa harap nila ang truck.
"Your place is beautiful."
Napangiti siya habang nagmamaneho. "Maganda talaga rito. Masaya kami na dumarami ang mga turista na pumupunta pero nag-aalala rin kami na baka ma-develop masyado at mawala ang mga natural na ganda."
"I'm sure your people won't let that happen."
"Uhm...nakatulog ka ba ng maayos?" Pag-iiba niya ng usapan.
"The climate is too cold for me but the blanket helped a lot. Plus, I was really tired yesterday from the trip."
"Pwede ka pa namang magpahinga. Hindi mo naman kailangan sumama."
"Don't you like my company?"
"Huh?"
"Ayaw mo ba akong kasama?"
"Gusto lang kitang magpahinga."
"I'll be fine."
Nang makarating sila sa trading post ay nakitulong magbaba si Azrael ng ibang kaing nila. She was silently eyeing him from a distance.
Naka-tshirt na lang ito kaya naman kitang kita ang muscles nito habang nagbubuhat. He was easy to spot in a crowd. Matangkad kasi ito at napakagwapo pa. Himala na lang kung magkagusto ito sa kanya.
Magiliw rin itong nakikipag-usap sa mga nagbebenta na mukhang natuwa rin dito. He may not speak the local dialect but he can really get along well.
BINABASA MO ANG
Versailles Series: The Nun [COMPLETED]
RomanceNyx A heartbreak makes her turn to the Divine being and enter a convent Her decision is final until she meets him Azrael is the least expected person to sway her and tempt her Each time their eyes meet, she knew something has changed Will she choose...
![Versailles Series: The Nun [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/256425065-64-k408478.jpg)