Habang hinehele ni Azrael ang pangatlo at unang babaeng anak nila na si Urielle, pinanood niya ang asawang si Nyx na kasama ang dalawa pang anak nila na nagtatanim sa lupa.
Nasa farm sila ngayon at binisita ang mga magulang ni Nyx.
Kinuha ng biyenan niya ang anak niya at tinuloy ang paghehele.
"Eh susundan niyo pa ba itong bunso niyo?"
He smiled. "Gusto pa po ni Nyx ng dalawa."
Natawa ang ginang. "Siya talaga ang may gusto."
"Kung ilan po ang gusto niya ganoon na rin sa akin."
"Alam mo, medyo natatakot ako noong sinabi mo noon na gusto mo ang anak ko. Ang ate at kuya ni Nyx ay pamilyar sa iyo. Madalas ka daw sa mga club sa lungsod. Iba't ibang babae ang kasama mo raw."
Napalingon siya rito. "Bakit po hinayaan niyo ako?"
Tinignan nito si Nyx na nakikipaghabulan na sa mga anak.
"Masaya ang anak ko. Napapasaya mo siya. Medyo may alinlangan pa rin ako pero habang tumatagal, naisip ko na wala naman akong karapatan na husgahan ka. Hindi naman kita kilala ng ganoon kalalim. Ang anak ko, tiwala ako na nararamdaman talaga niya ang malinis na intensiyon mo sa kanya."
"Salamat po at binigyan ninyo ako ng pagkakataon na patunayan ang sarili ko. Mahal na mahal ko ang asawa ko at ang mga anak namin. Ibibigay ko lahat para sa kanila."
"Salamat, Azrael."
***
Katatapos lang patulugin ni Nyx ang mga anak sa lumang kubo niya bago tumabi kay Azrael na nasa labas lang at nakatingin sa mga bundok na nababalutan ng fog.
"Lalim ng iniisip mo ah. Work?"
Her husband shook his head."Nothing."
Yumakap siya rito at inakbayan naman siya nito. "I love you."
"I love you more, my fairy."
"Gusto mo pa talaga ng dalawang anak?"
Tumango siya. "Tatlo pa nga sana kaso baka di na kaya ng matres ko." Natawa pa siya. "Tama na ba?"
"Both of us want a big family. Kung ilan ang gusto mo, it's fine with me. I don't want to impose how many children I want. It's your body who will be carrying it. I'm just here to give everything you need and want. Kahit dragonfruit pa yan ng madaling araw."
"Well, nag-crave ako eh. Hindi ko nga mapigilan. Ayoko na ngang sabihin sa iyo kasi pagod ka na sa trabaho tapos-"
"Baby, we're married for a decade now. If you need me then tell me. My work can wait so please stop putting my work over your needs because you are my priority. Remember that."
"Pero-"
"Kahit anong prutas pa iyan bibilhin ko pa rin kahit madaling araw mo ako gisingin. It's the least I can do."
"Who will think you were a playboy?"
Her husband chuckled. "No one. Mabait na ako. Behave na behave."
"I know. Thank you for everything."
"Thank you too, my fairy. It has been ten years but it feels like I just met you yesterday."
"Oo nga. Parang kailan lang. Ganoon yata talaga kapag masaya ka sa napangasawa mo."
"I always strive to make you happy, my fairy."
They stayed there until the sunset. As the sky turned orange to red, they smiled at each other and that's when they knew that whatever decisions they made before was needed for them to finally achieve this level of contentment.
THE END
Dear readers,
As usual, I will say my thanks to all of you who appreciates my work through your comments and votes.
Hindi ko namalayan na patapos na pala itong libro na ito.
It's a light story dahil pakiramdam ko medyo mabigat iyung past two books ng Versailles. Anyhow, I have decided who will be in the next book.
Soooo...abangan niyo ang susunod na libro!
Tulad ng dati, papahinga muna ang butihing author niyo. More more surprises ahead before the next book!
BINABASA MO ANG
Versailles Series: The Nun [COMPLETED]
RomansaNyx A heartbreak makes her turn to the Divine being and enter a convent Her decision is final until she meets him Azrael is the least expected person to sway her and tempt her Each time their eyes meet, she knew something has changed Will she choose...
![Versailles Series: The Nun [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/256425065-64-k408478.jpg)