CHAPTER 7

12.5K 311 12
                                        

The Greenhouse was beautiful. Para siyang nasa ibang mundo. Mula sa labas, hindi niya naisip na may restaurant sa loob. The place was filled with colorful plants. Napakaliwanag at vibrant sa loob.

Maraming kumakain sa loob. Many people stared at her as she walked by. Dahil ba sa habit niya? O baka dahil sa gwapong nilalang na kasama niya?

He seated her in a lounge separated form the rest of the dining area. It looked like a VIP lounge.

"May mga bawal bang pagkain sa iyo? Allergies?" tanong ni Chael.

Umiling siya. "Wala naman. Ikaw na lang bahala kung anong ibibigay mo sa akin." Kinapa niya ang bulsa. "Hindi ko pala nadala ang black card ko."

Nameywang ito sa harap niya. Akala niya ay naiinis na ito pero nakangiti pa rin naman ito.

"It's on the house, Sister."

Umalis na ito kapagkuwan. Nilibot niya ang tingin sa kinauupuan niya. 

Hindi niya masisi kung bakit may mga taong magbabayad para sa mahal na pagkain kung dito naman sila kakain. Since she became a nun, she realized how places like restaurants cost too much for such a small amount of food.

Sa isip niya marami ng batang mapapakain ang isang full-coursed meal. Kahit noong hindi pa siya nagmamadre ay namamahalan na talaga siya sa mga ganitong lugar. Masaya na siya sa masarap na luto ng Inang niya.

Nabaling sa isang babaeng bagong dating ang atensiyon niya nang umupo ito sa katapat niyang mesa. The lounge had four tables at okupado nilang dalawa ng babae ang ang dalawang mesa.

She looked cute in her pixie cut hair and denim jumper over her white shirt. Hindi niya alam kung empleyado ba ito o miyembro rin sa club.

Nang mapatingin sa kanya ang babae ay hindi na niya naiiwas ang paningin niya. Akala niya ay tatarayan siya nito pero ngumiti ito at tumayo. Naglakad ito palapit sa kanya at tumabi.

Siya ang nailang nang ilapit nito ang mukha sa kanya.

"Tama nga sila. Para kang angel."

"A-ako?"

She nodded and sat back. She extended her hand to her and introduced herself. "I'm Amaranth but you can call me Amara."

"Ah..hello. Ako si Nyx. Pero tawagin mo nalang akong Sister or Sister Nyx. Uhm...member ka rin ba dito?"

Umiling ito. "Employee. Well...kinda. Pero ako ang may-ari ng flower shop sa loob ng club."

Namilog ang mga mata niya. "Nagtatanim ka ba?"

Amara smiled. "Oo, pero hindi rito."

"Talaga? Saan?"

"Sa Amsterdam."

Napanganga siya. "A-Amsterdam?"

Tumango ito.

"Wow." Wala sa loob na sabi niya.

"May farm ako sa Amsterdam. Naghahanap nga ako ng makaka-partner na flower farm dito kasi may flower varieties akong gustong subukan. Pero gusto ko rin mag-eventure sa events planning para pagbalik ko ng Amsterdam pwede kong gawing business iyon."

"Wala ka pang nahanap na flower farm?"

Nangalumbaba ito. "Mayroon naman pero ayaw kasi nilang subukan iyung variety ko."

"May alam akong flower farm. Pero sa may Atok pa iyon."

"Talaga?" Her eyes were shining. "Malayo ba iyon?"

Versailles Series: The Nun [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon