CHAPTER 4

12.9K 310 28
                                        

1 year later...

Carrie visited her favorite convent in the city. Dito talaga unang dumaraan bago umalis at pagkauwi niya sa France. She frequented the convent to talk to her favourite nun.

She was seated on her usual position in the front most pew. Clutching her designer purse, she waited for the Mother Superior.

"Nakita ko pa lang ang sasakyan mo ay alam kong narito ka."

She smiled as the nun sat beside her.

"Kakauwi ko lang po."

"Kumusta naman ang biyahe mo?"

"Same old. I didn't meet my mother just because she doesn't really want to see me."

The nun clutched her hand. "Mabuti at hindi ka sumusuko na makuha ang puso niya."

She smiled sadly. "Does a child always have to beg for her mother's love?"

"Alam kong naiintindihan mo kung bakit ganoon ang ina mo. Kaya nga hindi mo siya sinusukuan ay dahil mahal mo siya at naiintindihan mo siya."

She just exhaled.

Hinawakan nito ang dalawang kamay niya at ipinagdasal siya nito. She instantly felt lighter.

Inabot niya rito ang cheke na pinirmahan niya para sa donation niya sa kumbento.

"Parang palaki ng palaki ang binibigay mo rito ah. Sobra-sobra ito."

Umiling siya. "Walang pong donasyon na sobra, Sister. Maraming matutulungan iyan."

"Hindi ka naman nagkakamali diyan."

Naglakad na sila sa palabas nang makita niya ang isang batang madre. She had never seen her before. Sa dalas niya rito ay kilala niya ang mga madre roon.

"May bago po kayong madre?"

"Ah oo. Si Nyx. Isang buwan na siyang novice. Medyo bago pa." Tinawag nito ang madre at agad namang lumapit sa kanila.

She studied the features of the woman. She was a medium built. Average height for women. She has an angelic face. Mas lalong nagmukha itong anghel dahil sa habit na suot nito. The white-pink habit fitted her well.

"Ah, Nyx. Siya nga pala si Carrie Versailles. Isa siya sa mga nag-do-donate sa atin."

Recognition flashed in her eyes with the lightest shade of brown. "Kayo po pala si Miss Carrie. nakita ko po kayo sa mga pictures. Napakaganda niyo po pala sa personal."

She smiled. "Paano mo nakikita ang mukha ko?"

Her mesh veil covered her face from judging eyes.

"Ngiti niyo palang po maganda na. Sigurado po maganda rin po ang buong mukha ninyo."

"Sister, may nakalimutan po pala akong tanungin sa inyo."

"Ano iyon?" tanong ni Mother Superior.

"Matagal na po kasing walang nagbabantay sa chapel ng leisure club ko. Sa huling alala ko ay si Nida ang huli ninyong pinadala."

"Ay oo nga pala, hija. Nawala sa isip ko. Pasensiya na."

She waived her hand. "Baka po busy kayo."

"Eh narito ka na rin lamang, pwede namang si Nyx muna ang isama mo pabalik. Si Mildred kasi eh tatlong buwan pa bago makabalik. Siya sana ang ipapadala ko."

"Ako po Sister?" tanong ni Nyx.

"Oo. Kung anong ginagawa mo rito ay iyon din ang gagawin mo roon. Okay lang ba iyon?" tanong nito sa kanya.

Versailles Series: The Nun [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon