Nasa Maynila si Nyx ng isang linggo. It was Azrael's birthday in a few days kaya rin siya naroon. First time nilang mag-celebrate na magkasama dahil kinailangan nitong pumunta sa ibang bansa noong nakaraang taon.
Naroon din siya dahil magkikita sila ni Laurie na dito na nakatira kasama ang napangasawa nito.
She was dressed in a casual dress that day. Naka-braid din ang kulot niyang buhok. Nag-taxi na lang siya papunta sa restaurant para hindi nanaman siya mawala.
She immediately saw the family in the corner. Kasama ng mga ito ang isang taong gulang na anak ng mga ito.
"Friend!" Pinasadahan siya nito ng tingin. "Iba talaga ang blooming. Kailan ko ba mami-meet iyang boyfriend mo?"
"Busy lang iyon. Pero soon, ipapakilala kita."
Umupo na sila at kaharap niya ang mag-asawa. Mukha namang walang problema ang mga ito. Parang honeymooners pa rin nga ang mga ito.
"Ikaw ba hindi pa magpapakasal?"
"Ine-enjoy pa namin ni Azrael ang meron kami ngayon. Hindi pa namin napag-uusapan iyan."
"Sige na nga. Pero dalian niyo na para naman may kalaro ang anak ko."
Natawa naman siya. She immediately imagined a little version of Azrael sitting on her lap.
"Oo na po. O, pwede niyo namang sundan agad iyang panganay niyo para hindi ako ang na-pe-pressure."
"Gusto ko lang makitang makasal ka na rin. Deserve mo kaya ng happy ending din."
"Anong gusto mo, ako ang mag-propose kay Azrael?"
"Eh bakit hindi? Teka, bakit ka nga ba narito sa Maynila ng mas matagal? Dati ilang araw ka lang."
"Birthday ni Azrael. Magce-celebrate kami."
"Ay...kainggit naman. O, use protection ha."
Halos mabulunan siya sa kinain niya. Her face must be as red as a tomato right now.
"Laurie!"
"Eh ano ba at pupunta rin naman kayo roon. Pero kung bet mo ang virgin bride, hindi naman kita ija-judge."
"Wala pa nga akong regalo. Ano bang pwede kong iregalo sa kanya? Nasa kanya na lahat."
"Mag-libot ka. Sa mga taong ganoon kayaman, hindi na nila na-a-appreciate ang mga materyal na bagay. Mas sentimental na sila."
Napatango siya. "Sige, maghahanap na lang ako."
"Nagkita na ba kayo ni Greyson?"
Umiling siya. "Iyung asawa niya ang nakakausap ko lagi."
"Ako nga rin. Ano bang nangyayari doon? Kaibigan natin si Greyson pero mahirap na nadadamay tayo sa away mag-asawa nila. Hanggang payo lang mabibigay ko." Umiling-iling ito. "Kung alam lang ni Joy na ikaw ang ex na pinagtaksilan nila noon, tignan ko lang kung makalapit pa sila sa iyo."
"Okay na rin siguro na hindi kami nagkikita ni Greyson. Wala naman kaming pag-uusapan. Masaya na ako. Dapat ay siya rin. Para saan pa at nag-cheat sila."
"Karma na nila iyon. Pero hindi ba mas mataas ang tsansa na magkita kayo? Sabi mo na nagta-trabaho sila kay Azrael."
"Wala namang mangyayari kung magkita kami."
"Ah basta. Lumayo-layo ka na. Huwag ka ng magpagulo."
Tumango siya. Deep inside, she's worried. Hindi pa niya nasabi kay Azrael ang bagay na iyon. She didn't see the need to tell him...yet.
BINABASA MO ANG
Versailles Series: The Nun [COMPLETED]
RomanceNyx A heartbreak makes her turn to the Divine being and enter a convent Her decision is final until she meets him Azrael is the least expected person to sway her and tempt her Each time their eyes meet, she knew something has changed Will she choose...
![Versailles Series: The Nun [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/256425065-64-k408478.jpg)