CHAPTER 35

10.4K 303 20
                                        

"Okay ka lang ba, anak? Mula noong dumating ka galing Maynila eh tulala ka na lagi."

Tinignan ni Nyx ang Inang niya. "Nagkita kami ni Joy, 'nang. Iyung asawa ni Greyson."

"Oh. Eh ano naman ang sinabi sa iyo?"

"May problema raw silang mag-asawa, humihingi ng tulong sa akin."

"Aba! At sa iyo pa talaga humingi ng tulong?"

Umiling siya at pinaupo ang ina uli. "Hindi po niya alam na ako iyung dating girlfriend ni Greyson. Kaibigan lang naman ang pakilala niya sa akin noon."

"Ano raw ba ang problema nila?"

"Nagbago na raw si Greyson. Parang hindi na siya mahal. Pero bukod doon kasi Inang, na-kwento niya sa akin kung paano sila nagsimula. Kung paano nila ako niloko. Nakakagalit lang kasi."

Tinabihan naman siya ng ina at niyakap. "Mahal mo pa ba si Greyson, anak?"

"Hindi na po 'nang. Bumalik lang lahat ng insecurities ko."

"Hindi lang siya ang para sa iyo, anak. Buti nga at hindi mo na gusto iyon." Humiwalay ito sa kanya. "Hay. Mula noong naghiwalay kayo eh hindi na namin pinapansin ang mga magulang niya. Matagal na pala nilang alam."

Ito naman ang tinapik niya. "O 'nang mas highblood ka pa sa akin eh."

"Eh mag-ayos ka na nga. Ngayon ang dating ng mga bisita mo 'di ba?"

"Ano po bang hindi maayos sa damit ko?"

Tinignan niya ang suot niya. It was her usual farm attire. A plaid long sleeve over a shirt and dark cotton pants. Suot pa nga niya ang rubber boots niya.

"Eh tignan mo may putik pa iyang gilid ng pantalon mo."

"Nagpatulong si Ate Myrna kanina 'nang. Hayaan mo na."

Napakamot ito sa ulo. "Paano ka makakahanap ng bagong boyfriend niyan?"

Natawa siya. "Hayaan mo na nga 'nang."

"Makikisayaw ka ng cañao 'di ba? Magpalit ka na doon!"

Mabilis siyang pumunta sa kuwarto dahil muntik na niyang makalimutan iyon. Katatapos lang niyang magbihis nang marinig ang mga sasakyan na dumating.

Nang lumabas siya ng bahay ay nakita niya sila Clyde at ang ibang miyembro ng team nito. Hinanap ng mata niya si Azrael. Tumutulong pala itong magbaba ng ibang gamit.

"Ang ganda nga ng farm niyo Miss Nyx!"

She smiled. "Salamat. Hindi niyo pa nakita iyung flower farm. Mas maganda roon."

"Bakit po ganyan ang suot niyo? Ang ganda naman." Tanong ng isa.

"Ah. Magsaayaw kasi kami ng cañao mamaya. Ritual namin siya kapag may mga ganitong bagong proyekto o thanksgiving. Gagawin namin siya para maging successful ang project natin."

"Talaga po?"

She nodded.

Doon na lumapit si Azrael sa kanila. He was wearing a simple white shirt and denim pants. Walang bakas ang pagiging CEO nito. Nagsi-alisan naman ang mga kasama nito para tignan ang iba pang kagamitan.

"Hey."

"Kumusta ang biyahe?"

"Good. Pretty rough on some roads but it was a good ride."

Versailles Series: The Nun [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon