Ilang araw ng balisa si Nyx. She was plagued with the same dream. Hindi niya alam kung dahil ba na-kwento ng madre sa kanya iyon kaya iyon din ang tinatakbo ng isip niya o baka ito na iyung "calling" na sinasabi nila. Nawala na sa isip niya si Greyson.
Being a nun meant she will leave their farm. It will break her mother's heart. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin sa mga ito ang plano niya.
She prayed every night to Him to guide her. Ito ang turning point ng buhay niya. Since birth, all the things that she knew are in this farm. Dito niya natutunan ang lahat. Hindi lang siya ang maaapektuhan ng pag-alis niya. May mga trabahador at miyembro ng kooperatiba nila na maaring mawalan ng trabaho. After all, she handles everything in the farm especially the finances.
Alam niyang gustung-gusto na siyang tanungin ng Inang niya pero pinili nitong manahimik. Inabala niya ang sarili sa mga gawain sa bukid pero sa tuwing sasapit ang gabi ay mananaginip nanaman siya.
Isang araw ay umuwi ang mga kapatid kaya kumpleto sila sa hapag ng gabing iyon. Masaya silang mag-anak. Ma-kwento at walang dead air sa hapag nila lalo na at narito ang mga kapatid. Madalas ay siya ang pinagmumulan ng kaingayan pero tulad ng ibang gabi ay tahimik siya. Nag-iisip.
Naririnig niya ang mga itong nag-uusap pero wala siyang naiintindihan. Tango lang ang sagot niya kung tinatanong siya. Nang hindi makapag-pigil ay niyugyog siya ng Ate Nicka niya.
"Ano bang nangyayari sa iyo? Bakit ang tahimik-"
"Gusto ko maging madre." Iyon ang lumabas sa bibig niya. She wanted to take it back as soon as it went out of her mouth.
Her family was shocked. Lumipas ang mga minuto na walang nagsasalita.
"Anong sabi mo, anak?" sabi ng Tatang nila.
"G-gusto ko maging madre."
Tumayo ang Kuya Nicholai niya. "Nyx! Ano bang sinasabi mo riyan? Anong magma-madre?"
Tumayo rin ang isa pa niyang kapatid. "Hindi ka pwedeng mag-madre! Sinong maiiwan dito sa farm kasama si Inang at Tatang?"
Something in her ticked. Hindi na niya inisip ang sasabihin.
Napatayo rin siya at tumingin sa mga kapatid. "Bakit kayo? Bakit iniwan niyo si Inang at Amang? Bakit pwede niyong gawin ang mga gusto niyo? Abutin ang mga pangarap niyo? Bakit ako hindi ko pwedeng gawin ang gusto ko?!"
She walked out and went to her hut. She was fuming mad. Matagal na niyang tampo iyon sa mga kapatid. Pakiramdam niya ay napag-iwanan na siya. Na wala siyang choice kung hindi maiwan sa bukid at pag-aralan ang kabuhayan nila.
Habang nagtatagal siya sa kubo niya ay mas na-realize niya ang mga nasabi. Napaluha siya. Hindi dahil sa frustration niya pero dahil alam niyang nasaktan niya ang mga magulang sa mga nasabi niya.
Alam nilang magkakapatid kung anong kuwento ng lupain nila. Kung paano iyon ipinaglaban ng mga ninuno nila mula sa mga kapitalistang gustong kamkamin ang lupain nila. It was also their parents' love nest. The lands witnessed how their parents met and fell in love. How they shared the lands with people that helped nurture it.
Huli na ang lahat at nasabi na niya. Ngayong malamig na ang ulo niya at nailabas na niya ang bumabagabag sa kanya ay inusig naman siya ng konsensiya niya. Masaktan na ang lahat huwag lang ang mga magulang niya. Pero heto at siya mismo ang nakasakit sa kanila.
Napayakap siya sa sarili nang maramdaman niya ang lamig ng hangin. Papasok sana siya para kunin ang kumot niya nang mahagip ng mata ang papalapit na bulto ng Inang niya. Kasunod nito and Tatang nila.
BINABASA MO ANG
Versailles Series: The Nun [COMPLETED]
RomanceNyx A heartbreak makes her turn to the Divine being and enter a convent Her decision is final until she meets him Azrael is the least expected person to sway her and tempt her Each time their eyes meet, she knew something has changed Will she choose...
![Versailles Series: The Nun [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/256425065-64-k408478.jpg)