Sa mga sumunod na araw, kasama na nila sa mga gawain sa bukid ang team ni Azrael.
Sabi nga ni Clyde ay parang nasa retreat daw sila dahil kahit pagod daw ang katawan ay mas panatag ang isip nila. Kahit pwedeng umuwi ng weekend ay hindi umuuwi ang mga ito.
Nasanay na rin ang mga ito sa klima at mas maaga ng gumigising. Noong minsan nga ay nauna pa si Azrael na magising sa kanya para mag-jogging.
Nang dumating na ang mga seedling ay pinakita niya kung paano ang tamang pagtanim ng mga halaman. Sumubok naman ang mga ito sa ibang halaman.
Kasama na sa routine ng team ni Azrael ang ibang mga gawain sa bukid. Natuwa nga siya at ibang miyembro ng kooperatiba na mukhang nag-eenjoy naman ang mga ito.
Tinabihan niya si Clyde na nagpapahinga sa ilalim ng puno. Nakaupo ito sa isang malaking ugat ng puno.
"Napagod ka yata."
Napakamot ito ng ulo. "Nakakapagod pero masaya. Lalo na kapag nakikita mong lumalaki at nabebenta iyung mga tinatanim mo."
"Hindi mo ba nami-miss ang Manila?"
"Noong mga unang araw. Hindi ako makagamit ng dating app dito. Kaunti ang malls. Puro lakad. Hindi rin ako natutuwa sa lamig noong una. Pero habang tumatagal, mas naiintindihan ko kung bakit gusto niyo rito. Simple lang ang buhay. Masaya at kumpleto. Sa Manila kasi, nakahiwalay ako kina Mama kasi lagi akong nale-late. Kailangan kong tumira sa mas malapit sa trabaho." Huminga ito ng malalim. "Masaya na mag-party-party kasama ang friends. May independence. Pero minsan kapag mag-isa ako, namimiss ko sila Mama. Swerte kayo Miss Nyx at kasama niyo ang pamilya niyo."
"Alam mo, minsan naisip ko kung bakit ako ang kailangang maiwan dito. Bakit hindi rin ako sa malaking siyudad nagta-trabaho. Na-realize ko kailan lang kung gaano kahalaga ang lugar na ito sa akin. Kahit saan ako mapunta, dala ko ang pagiging magsasaka ko." Tinapik niya ito. "Importante ang trabaho, Clyde. Pero ang pamilya hindi naman laging nariyan. Habang nandiyan sila, kapag nami-miss mo sila, huwag ka ng magdalawang isip. Puntahan mo sila."
"Iha-hug na sana kita Miss Nyx pero shiniship pala namin kayo ng boss namin."
Natawa siya. "Hindi naman kami loveteam. Saka...hindi naman ako ang tipo ni Azrael." Nilingon niya ito. "May nakita ka na bang date ni Azrael?"
"Huwag niyong sasabihin na sinabi ko Miss Nyx ha. Meron naman. Hindi niya madalas sinasama sa office. Nakikita lang namin minsan sa bars o restaurants."
"Anong hitsura nila?"
"Hmm...typical socialite. Skimpy clothes, high heeled shoes. Branded mula ulo hanggang paa."
Napatango siya. Tinignan niya ang suot niya. Loose long sleeve shirt over an old t-shirt, loose pants, and of course, rubber boots.
"Laging laman si Sir Azrael ng mga clubs at bars. Pero matagal na namin siyang hindi nakikita. Nang matanong namin iyung mga barista, hindi na talaga siya dumarayo. Mapapadaan lang para uminom pero walang ka-date. Saka may time na ang tagal niya doon sa private club sa Baguio. Akala nga namin may girlfriend na si Sir."
"Paanong wala pa siyang naging girlfriend?"
"Iyon din ang tanong namin, Miss Nyx. Kita niyo naman si Sir, daming nakapila riyan. Pero baka inaantay lang niya ang tamang babae. O pwede rin na baka dahil takot siyang magaya sa parents niya. Kapag dumadalaw ang Mom niya sa opisina, laging wala si Sir. Kung meron man, lagi silang nag-aaway. Paano naman kasi si Madam, siya na nga ang sumusuyo ang sungit pa. Pati sa amin na staff ni Sir, ang demanding. Kung pinipigilan naman siya ng guard na pumasok, nag-eeskandalo. Kaka-stress."
BINABASA MO ANG
Versailles Series: The Nun [COMPLETED]
RomanceNyx A heartbreak makes her turn to the Divine being and enter a convent Her decision is final until she meets him Azrael is the least expected person to sway her and tempt her Each time their eyes meet, she knew something has changed Will she choose...
![Versailles Series: The Nun [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/256425065-64-k408478.jpg)