CHAPTER 26

9.9K 272 11
                                        

"I'm just doing a basic clearance procedure for you."

Tumango si Nyx habang nakaupo sa security office ng Versailles. Si Winter na security director ng club ang mismong nag-asikaso sa kanya.

"You're good to go." Sabi nito.

"Thank you, Sir Winter."

"Saan ka na pupunta? Babalik ka na sa kumbento?"

"Oo. May papalit na madre sa akin na mag-aasikaso ng simbahan."

"Have you said your goodbyes?"

She just smiled.

Mukhang naintindihan naman siya nito. "I can take you to the convent. Mahirap mag-taxi rito."

"Hindi ba kita naaabala?"

Winter smiled. "I offered which meant it's not an inconvenience."

Sumunod na lang siya sa sasakyan nito dala ang bag niya. Nang makasakay sila ay umalis na rin sila agad.

Habang napapadaan palabas ng club, tinitignan niya ang mga tanawin. It was the most beautiful place she has ever been to. It also had the best people someone can meet.

"Did you enjoy your stay?"

Tumango siya ng marahan. "Oo naman. Napakaganda at mababait ang mga tao."

"People adored you. Marami ang nagsalita para sa iyo. You know, to protect your honor."

"Na-appreciate ko talaga iyon."

"They'll miss you. For sure, tatanungin nila ako kung nakaalis ka na."

"Hindi naman siguro..."

"Oh they will. That's for sure. Ako naman ang unang tanungan nila ng mga nawawalang tao. Some would would even ask me to look for people. Background checks and all."

"Kaya mo ba akong tuntunin kahit wala na ako sa club?"

He nodded. "I can find out all about you since you were a kid. Everything."

"Hindi ko alam kung may hihingi sa iyo ng ganoong pabor pero pwede bang huwag mong sabihin kung nasaan ako?"

"You'll just be in the convent right?"

She smiled meaningfully.

"It's okay. Sure. I won't divulge your information."

"Salamat."

Nang makarating na sila sa kumbento ay inihimpil na nito ang sasakyan sa parking.

"Why do I have a feeling this isn't the place you intend to go?"

"Tama ka."

He nodded and extended his hand. "It was nice knowing you, Sister Nyx."

"Ikaw rin."

Versailles Series: The Nun [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon