Nyx woke up early the next day. Excited siya dahil nasa bagong lugar siya. Agad siyang naligo at nag-agahan. Saglit din siyang nagdasal sa maliit na altar sa may sala.
Pagkalabas niya ng cottage ay napakaganda ng araw. Ang mga halaman sa paligid ay basa pa sa hamog. Even the birds were happily chirping as if welcoming her presence.
Binuksan na niya ang simbahan at muli ay napatigil para tignan ang loob. Napakaganda talaga ng lugar na iyon. Tumatagos ang araw sa salamin na dingding at kisame. Pati sa altar ay napakaganda tignan niyon. Parang anumang oras ay lalabas ang mga anghel sa likod.
Kumuha siya ng basahan para punasan ang altar. Hindi naman talaga kailangan ng linis iyon. Mukhang kahit matagal na wala si Sister Sunny ay inaalagaan pa rin ang lugar. Gusto lang talaga niya ng pagkakaabalahan.
Nasa kalagitnaan siya ng pagpupunas nang may marinig siyang katok sa pinto. Isang babae ang nakatayo roon. Agad naman siyang lumapit para batiin ito.
"Good morning!" nakangiting sabi niya.
"Good morning Sister...?"
"Nyx. Sister Nyx."
Napangiti ito. "Ang bata niyo pala talaga, Sister Nyx. Ang ganda niyo pa."
"Wala naman sa edad ang pagmamadre. Well...hanggang 45 years old."
Marami namang nagsasabi na may hitsura siya. Na hindi raw siya dapat nagtatago sa bukid nila. Mahaba ang alon-along buhok niya at bumagay raw iyon sa mukha niya. Madalang lang niyang nailalabas ang buhok niya dahil sa suot niya. Minsan nga ay naninibago siya kapag nakikita niya iyon.
"Ako nga pala si Tabi. Sa cafe ako naglalagi. Sa Drunk and Sober."
Napatango siya at napatingin sa dala nito.
"Ah Sister, nagdala ako ng breakfast."
"Hindi ka na sana nag-abala pa."
Sumeryoso ang mukha nito. "Sa totoo lang Sister, gusto rin kitang makausap."
Inaya niya ito sa kalapit na pew. Kape at mga tinapay ang dinala nito kaya naman pinagbigyan na niya dahil sayang naman kung walang kakain.
"Bakit mo ako gustong kausapin?"
Nanahimik ito. Nakatingin lang sa mga nakasalikop na kamay. Mukhang malalim ang iniisip nito.
"I had sex."
Muntik na niyang mabuga ang iniinom sa sinabi nito. The lady was in deep thought to even notice. Buti na lang at hindi natapunan ang habit niya.
Tumikhim siya. "Hindi naman iyon nakakagulat sa mga tao ngayon. Hindi na lang mga mag-asawa ang gumagawa niyon."
"I had sex with my best friend." Wala sa loob na sabi nito.
"Hmmm...is it mutual? O na-pwersa ka ba? Pinilit ka ba niya?"
She shook her head. Napa-buntong-hininga naman siya. Mabilis siyang nagpasalamat sa Diyos. Akala niya ay pinagsamantalahan ito.
"Lasing kami, Sister. We were playing a game and somehow, we ended up kissing and we went all the way without us knowing."
It was her turn to shake her head. "You knew it was happening. Alam mong pwedeng mangyari iyon. Naniniwala akong sa puntong nagkatinginan kayo bago ka niya hinalikan, alam mo na pwedeng tumuloy iyon sa ibang bagay."
"We usually do that, Sister. Nag-iinuman hanggang umaga. Kaming dalawa lang. Hindi naman iyon ang unang beses."
"May nararamdaman ka ba sa best friend mo, Tabi?"
BINABASA MO ANG
Versailles Series: The Nun [COMPLETED]
RomanceNyx A heartbreak makes her turn to the Divine being and enter a convent Her decision is final until she meets him Azrael is the least expected person to sway her and tempt her Each time their eyes meet, she knew something has changed Will she choose...
![Versailles Series: The Nun [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/256425065-64-k408478.jpg)