Matamlay si Nyx nang magising. Kahit medyo inaantok pa ay bumangon na siya para maghanda. Magbababa sila uli ng gulay sa La Trinidad kaya kailangan nilang ihanda ang mga gulay lalo na at ihahatid pa iyon sa mga karatig probinsya.
Alam niyang napapansin ng mga kasamahan nila ang pagiging matamlay niya pero hindi na rin nagtanong ang mga ito. Kahit noong sabay-sabay silang nag-agahan ay tahimik lamang siya. Maingay ang mga ito at nag-uusap pero parang wala siyang naririnig.
Bago sumakay sa trak ay pinigilan siya ng nanay niya.
"Mamasyal ka muna bago ka umuwi. Para naman maaliw ka kahit papaano."
"Pasensiya na po kayo 'nang."
Nakakaintinding tumango ang ina. "Alam namin ang pinagdaraanan mo. Normal lang iyan. Pero huwag mo lunurin masyado ang sarili mo sa kalungkutan."
Ngumiti na lang siya ng tipid sa mga ito at nagpaalam na.
Nang maibaba nga ang mga gulay ay hindi na muna siya sumama pabalik. Kung gabihin man siya ay makikitulog na lang siya kina Laurie.
Sumakay siya ng jeep papuntang siyudad ng Baguio. Maglalakad-lakad lang siguro siya. Naaapektuhan na ang trabaho niya sa farm.
Hindi naman mawawala agad ang pagmamahal niya kay Greyson. Oo nga at tapos na sila pero hindi mo naman masasabihan ang puso na huwag ng mahalin ang isang tao.
Marami silang pangarap at alaala ni Greyson. Kahit saan yata siya lumingon ay may maaalala siya rito. Tuwing sumasagi sa isip niya iyon ay naninikip ang dibdib niya.
Greyson was the most perfect man in her eyes. Kahit na pinaparamdam nito sa kanya na gusto nitong kasama siya sa Maynila at hindi naman siya nitong pinipilit. Ito lang ang taong naisip niyang makakaintindi sa desisyon niyang manatili sa farm. He was a gentleman too. Smack lang ang kiss nila. He never asked for more or went beyond what she was ready for.
Hindi lang niya akalain na magagawa iyon ni Greyson. He cheated on her and now the girl is pregnant. Ikakasal na ang mga ito kaya lamang ito umuwi. Hindi naman ito umuwi para makita siya.
Hindi man lang ito sumubok kausapin siya kahit humingi man lang ng tawad o magpaliwanag. He dumped her just like that.
Napukaw ng atensiyon niya bigla ang isang matandang madre na may mga dalang eco bag. Pinagpapawisan ito at mukhang nabibigatan na sa dala.
Nilapitan niya ito. "Kailangan niyo po ba ng tulong?"
"Ayoko namang abalahin ka hija."
"Pabalik na po ba kayo sa kumbento? Ihatid ko na po kayo."
"Naku, hindi na hija. Kaya ko na ito. Saka malapit na lang naman."
Pumara na siya ng taxi at isinakay ang mga dala nito. Napaka-bigat nga niyon. Hindi na siya magugulat kung bakit hapong-hapo ito.
"Sige na, Sister. Medyo mainit ngayon at mabigat itong mga dala niyo. Tutulungan ko na po kayo."
The nun smiled. "O siya, sige na. Pagpalain ka nawa ng Diyos."
Sinabi niya sa driver kung saang kumbento nila ihahatid ang madre. Buti at tinulungan din sila ng driver na ibaba ang mga dala ng madre nana makarating sila.
"Naku, naabala pa kita. Nasira kasi ang service namin kaya wala akong kasama." Hinawakan ng madre ang kamay niya. "Baka napalayo ka na sa pupuntahan mo."
She smiled sadly and shook her head. "Wala po talaga akong pupuntahan. Naglalakad lang po ako ng walang direksyon talaga."
"Pumasok ka muna sa chapel, hija at aayusin ko lang ang mga pinamili ko. Mukhang kailangan mo ng makakausap."
Bago pa siya sumagot ay nakalayo na ang madre. Tumuloy nga siya sa chapel at naupo sa isa sa mga pew. The place was silent. Kahit yapak ay nag-e-echo sa buong chapel.
She remembered writing prayers on a piece of paper when she was young. She believed all of it came true. She always prayed for her family and their farm as a kid. Para sa kanya iyon ang kayamanan nila. Pero iba na ngayon.
Naglabas siya ng kapirasong papel at nagsulat doon.
Akala ko wala na akong hihilingin pa. Pero ngayon, gusto ko lang malaman kung paano mawawala ang sakit. Gusto kong makalimot kahit sandali lang.
She inserted the paper in the marble container when she heard the nun's voice.
"Anong pinagdasal mo hija?"
She sat on the pew again where the nun joined her. "Malungkot lang po ako."
"Bakit naman?"
"Iyung boyfriend ko po kasi, nagtaksil po sa akin. First boyfriend ko po siya. Nakabuntis siya at ikakasal na sila. Wala naman na po kami nang malaman ko. Masakit lang po kasi iyung nagawa niya."
The nun smiled. "Marahil ay dahil hindi naman kayo para sa isa't isa."
"Bakit po ba Niya hinahayaan na makakilala tayo ng taong sasaktan din lang tayo?"
"May mga taong kailangang dumaan sa buhay mo para malaman mo kung saan ka pupunta. Kung hindi siya dumaan sa buhay mo, hindi mo malalaman kung paano magmahal. May mga bagay kang natutunan sa relasyon ninyo na magagamit mo sa susunod na taong mamahalin mo."
"Bakit hindi na lang Niya ibigay agad kung sino ang nakatadhana sa atin? Bakit kailangan pagdaanan pa ito? Bakit sila masaya? Bakit ako, hindi? Naging tapat naman ako. Hindi ako tumingin sa ibang lalaki."
The nun touched her hand and it immediately brought her comfort. "Kung nasasaktan ka man, iyon ay dahil nagmahal ka. At kung nasasaktan at nalulungkot ka man ngayon, iyon ay dahil alam Niyang malalagpasan mo iyan. Mas lalakas ka at mas magiging handa sa susunod na taong mamahalin mo."
Umiling siya. "Ayoko ng magmahal. Ayoko ng masaktan. Baka hindi talaga ako nakatadhana para sa isang tao." Nilingon niya ito. "Kayo po, bakit kayo nag-madre? Hindi po ba, ibig sabihin niyan ay hindi kayo magkaka-asawa? Magkaka-anak?"
Tumingin ito sa harap. "Tatawagin ka niya kahit anong ginagawa mo o kahit ilang taon ka na. Tulad mo ay nagka-nobyo rin naman ako noong kabataan ko. Pero noong matapos kami, hinanap ko iyung sarili ko. Tinanong ko ang sarili ko kung nasa tamang daan pa ba ako. Araw-araw, nagsisimba ako at nagdadasal na sana ibigay na lang Niya ang taong magmamahal sa akin. Pero hindi nNiya binigay iyon. Isang buwan...isang buwan akong nananaginip na isa akong madre. Wala akong ibang ginagawa sa panaginip kung hindi magdasal at magdasal. Naintindihan ko noon na tinatawag Niya ako.
Iniwan ko lahat. Naging madre ako. Lumipas ang mga taon at naintindihan ko kung bakit kami naghiwalay ng nobyo ko. Nakatakda akong pagsilbihan Siya. Kapag nag-madre ka, hindi ibig sabihin na hindi ka magkaka-asawa, hindi magkaka-anak. Hindi magkakapamilya. Siya lang ang laman ng puso ko at ang paglilingkuran ko. Ang mga mas batang madre, o ang mga nagsisimba rito ay tinuturing ko na ring mga anak. Sila ang pamilya na mayroon ako. Hindi man isang asawa o mga anak tulad ng normal na pamilya pero sa puso ko, iyon ang pamilyang mayroon ako."
Humarap ito sa kanya at ginagap ang kamay niya. "Hayaan mong maghilom muna ang puso mo, hija. Hindi ka Niya pababayaan."
That night as she laid her head on her pillow, hindi nawala sa isip niya ang pinag-usapan nila ng madre. It brought her comfort after talking to the nun and knowing that He is indeed just beside you always.
She was walking on a long marbled corridor. Nang tumigil siya para tignan ang repleksiiyon niya ay natulala siya. She was wearing a pink habit with a white veil. She looked like a...nun.
CHAPTER 3 >>
BINABASA MO ANG
Versailles Series: The Nun [COMPLETED]
RomanceNyx A heartbreak makes her turn to the Divine being and enter a convent Her decision is final until she meets him Azrael is the least expected person to sway her and tempt her Each time their eyes meet, she knew something has changed Will she choose...
![Versailles Series: The Nun [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/256425065-64-k408478.jpg)