Azrael had a full schedule since he stepped out of the helicopter. Nauna muna siyang dumaan sa HQ ng kumpanya niya para i-relay ang mensahe sa merging ng Savers at Iglesias Group of Companies.
He explained that he had to take in his father's company. Slowly, Savers, his warehouse club company will slowly absorb the employees until his father's company will be closed down. There were no objections from the stakeholders. Inaasahan naman niya iyon dahil may maliliit na silang kumpany na na-absorb din noon.
Nang makarating na sa opisina ng ama ay may mga nag-ra-rally sa labas.
"What's happening?" tanong niya kay Armie.
"Mukhang galing sa labor union ng kumpanya ng papa niyo, Sir Azrael. Hindi niyo naman po sila kailangang kausapin."
"Why not? They are my future employees. Let's listen to what they've got to say."
Nang umibis siya ng sasakyan ay sinalubong siya ng mga galit na empleyado.
He raised his hands to calm the noise down. "Sinong puwede kong makausap?" Tanong niya.
Pumunta sa harap ang isang lalaki. Mukhang ito ang lider ng grupo. "Ikaw na ba ang bagong may-ari? Ikaw ba ang tagapag-mana?"
Tumango siya. "Ako nga."
"Hindi kami makapapayag na mamatay lamang anag ama niyo ng ganoon lang! Marami pang utang na benepisyo ang kumpanya niyo sa aming manggagawa!"
"Hindi ko alam... Mahirap mang paniwalaan pero wala akong alam sa mga nagiging operasyon pati ang pinansyal na kalagayan ng kumpanya."
"Ang ama mo! Itong kumpanya na ito! Hindi binabayaran ng tama ang mga empleyado. Ang sweldo ay huli pa kung ibigay! May mga benepisyo na hindi naman pala nila binibigay. Paano naman kami Sir? May pamilya kaming binubuhay."
Napahilot siya sa sentido niya. This is a mess.
"May meeting ako sa board ngayon kaya ako narito. Kailangan ninyong sumama sa akin. Kung kayo ang lider, kaya niyong magsalita para sa mga kasamahan ninyo. Gusto ko ring malinawan tulad ninyo."
With that, the crowd turned silent and was replaced by murmurs. Sumama nga sa loob ang piuno na napag-alaman niyang si Kuya Jason. Ikinuwento nga nito ang mga problema ng mga empleyado na matagal ng nirereklamo ng mga manggagawa.
Marami na ang gustong umalis ngunit umaasang makuha pa ang mga kulang na sweldo at benepisyo. Itinaon talaga ng mga ito ang pagdating niya dahil umaasang baka raw siya ay makinig.
The room they entered in was filled with well dressed men with flashy smiles. Nawala lamang iyon nang makita ang leader ng labor union.
"Anong ginagawa niyan dito Mr. Iglesias?"
Namulsa siya habang pumuwesto sa kabisera katabi si Kuya Jason.
"He's here to do his job. Now...let me ask. Are you doing yours?"
The board, major stakeholders, and executives were present in the room.
"Do you know what I heard from the workers outside?" Malamig na tanong niya. Sa kumpanya niya, mahigpit ang pamamalakad niya sa mga posisyon na mas matataas. He was more forgiving with the workers themselves.
Nagsimula siya bilang bagger sa isang grocery. After graduating, he became a supervisor. He wanted to learn the business from the bottom before putting it up himself. Kaya alam niya ang hirap ng mga taong nasa ganoong lebel.
"You are robbing them of their salary and benefits. What do you have to say for yourself?"
"W-wag kang maniwala diyan! Saka ano bang alam mo sa kumpanya ng ama mo? Kasalanan mo rin naman kung bakit pabagsak na ang kumpanya na ito. Mas pumupunta na sa warehouse stores mo ang mga mamimili kaysa sa mga groceries namin!"
BINABASA MO ANG
Versailles Series: The Nun [COMPLETED]
RomanceNyx A heartbreak makes her turn to the Divine being and enter a convent Her decision is final until she meets him Azrael is the least expected person to sway her and tempt her Each time their eyes meet, she knew something has changed Will she choose...
![Versailles Series: The Nun [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/256425065-64-k408478.jpg)