Chapter 1
The wind blew over my body as I was standing right here in our garden. I stared at the leaves from the tree that is now slowly falling down because of the wind.
Hindi pa rin umuuwi si Mama kaya tahimik lang ngayon si Papa sa bahay. Madalas ko pa siyang makitang umiinom. Isang beses nang sinubukan ko siyang patigilin pero sinigawan niya lang ako.
"Ano bang pakialam mo, Verly, ha? Kung nag-aaral ka na lang doon, hindi iyong iniintindi mo pa ako!" sigaw sa'kin ni Papa.
Malakas pa niya akong tinulak kaya napaupo na lang ako sa sahig.
Mapait akong napangiti. Sanay na ako dito. As if bago itong ginagawa niya sa'kin. Pati sila Calleigh at Cait, madalas niya ring nasisigawan.
Pati kami nila Calleigh at Cait, may kaunting tampuhan kaya madalas na lang kaming magkausap kahit nasa iisang bahay lang kami. Matapos kasi noong sinermunan nila ako, hindi na nila ako pinansin kinabukasan.
Is it my fault that I'm happy with what I am doing? Bakit hindi na lang nila ako hayaang maging masaya? Ayaw ba nila akong makitang maging masaya?
Sa totoo lang, naiinis na ako sa mga tao dito sa bahay namin. Parang wala akong kakampi. Parang sa laban na ito, sarili ko lang ang kakampi ko.
As always. Sanay na sanay na ako.
Kaya hindi nila ako masisisi kung bakit ganoon ang ginagawa ko ngayon sa buhay ko. I want to be free from them. Gusto kong maging masaya at makalanghap naman ng sariwang hangin dahil dito sa loob ng bahay, hindi ako masaya.
At never akong naging masaya.
It was traumatizing seeing our parents fighting daily. Mas mabuti na iyong hindi muna umuuwi si Mama dahil baka kung ano ano na namang pag-awayan nila ni Papa.
How funny it is na… pinangakuan nila ang isa't isa sa tapat ng altar na silang dalawa ang magkakasama sa pang habang buhay, na parehas silang bubuo ng isang masayang pamilya. But look what's happening right now.
Gusto ko na lang lumayas sa mga oras na nakikita at naririnig silang nag-aaway. Madalas pa nga nakikita namin silang dalawa na nagbabatuhan ng mga vases roon.
Little they didn't know that it was traumatizing for us, their kids.
Ang makita at marinig silang palaging nag-aaway, sobrang nakakarindi sa utak. Bago matulog, ang alitan nila ang naririnig ko sa utak ko. Para ayaw akong pakawalan pati sa pagtulog ko.
Masisisi ba nila ako kung nagiging pabaya na ako sa pag-aaral ko? Bakit? Kahit noong nag-aaral pa naman din ako ng maayos, never akong nakarinig kahit ni isang congratulations sa magulang ko. Minsan, sila Calleigh at Cait, pero madalas lang mangyari iyon sa isang taon.
At ngayon, nagagalit sila sa'kin dahil nagiging pabaya na ako. Madalas na lang akong makakuha ng matataas na grado. Madalas, puro pasang awa, or hindi kaya ay bagsak naman.
Paano ba naman, lagi akong nai-stress dito sa loob ng bahay. Puro alitan doon, alitan dito. Ni hindi nila alam na nakaka-apekto iyon sa anak nila.
Panay na naman ang ubo ko matapos akong gumamit ng vape na binigay sa'kin nila Celiyah. Parang iyon na din ang naging hobby ko, kasama ang pag-iinom sa bar pagkatapos pumasok.
"Cutting na tayo! Wala naman daw mas'yadong gagawin ngayon." sabi ni Cait.
Kasama ko sila Celiyah at Crizel, at ang iba pa naming mga kaibigan. Dalawa ang lalaki, samantalang lima naman kaming mga babae. Masaya naman sila kasama, puro mga carefree sila, iyong tipong walang pakialam sa kung anong mangyayari pagkatapos nilang gawin ang isang bagay na 'yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/279568026-288-k695552.jpg)
YOU ARE READING
Brutal (Sour Hour Series #5)
RomanceSour Hour Series #5 Verlyian Elizendra Velasco had a rough life when she was a child. Because of her fears, she didn't get to enjoy her youth, which led her down the wrong path. A man saved her from her brutal life and corrected her from walking dow...