Chapter 12

185 12 2
                                    

Chapter 12



In our lives, the day will come when our cage on our bodies will separate, and it will be our time to be free of all the suffering you're sacrificing. Always remember to love and cherish ourselves, because it is something we grievously need in our life.

Always remember to glance in the mirror to remind yourself that everything will be pleasant and worthwhile. Being free takes a long time, but believe me when I say it will be well worth it.

Being an independent doesn't mean you're escaping the world— but you're escaping the pain. You'll take your time to be independent until there's still a time.

I will enjoy my years that I didn't enjoy before when I was a teenager. Now is the time for me to enjoy my life… because life is too short, we must enjoy our borrowed life. Enjoy it if you want to enjoy it. Grab every opportunity in your life and never ever miss it.

Months have passed since I'm working at the café. Naka sweldo na ako kaya nabayaran ko na ang utang ko kay Jainx. Though, kulang pa rin, pero ang mahalaga ay may nabayad na ako sa kanya.

"Americano, please?" Jainx said.

I sighed. "Ikaw na naman? Sa ilang buwan kong nagtatrabaho dito, walang araw na hindi ka dumaan. Hindi ka ba nagsasawa sa kape?"

"Nope. Paborito ko ang kape, kaya bakit ako magsasawa?"

"May work ka?" I asked.

Umiling siya.

"Pero kahit na may work ka, never ka namang hindi nakadaan dito." sabi ko sanay inirapan siya.

"I always makes free time for everything,"

"Or baka naman… binabantayan mo ako kung mag titino ba ako sa trabaho na 'to dahil ayaw mong mapahiya ka dahil ikaw ang backer ko?" dudang tanong ko.

He was really always here at the café to order his usual café. Pagkatapos, ilang oras ang inaabot niya bago tuluyang maka alis. May mga times pa nga na sinasabayan niya ang uwi ko. Minsan, nakakatulog na siya sa loob kaya ginigising ko pa siya.

"Siguro? Gano'n nga yata? Hindi ko alam…" he shrugged.

"Kung maka ano ka, akala mong laging free time, ah?"

"Lagi naman talaga. Kung kelan kasi ang duty mo, iyon din ang free time ko." sabi niya.

"Huwag kang mag aalala. Hinuhusayan ko naman ang pagtatrabaho dito, e."

He sighed. "Hindi lang naman ako nandito para sa'yo. Nandito din ako para sa kape."

Inirapan ko siya at nagpatuloy na lang sa trabaho. Habang nasa counter, patingin tingin na naman ako sa kanya habang nasa lamesa siya at may inaasikasong kung ano. Nga lang, natigilan ako nang makitang may babaeng lumapit sa kanya.

Agad kong kinuyom ang kamao ko. Iniisip ko na baka insultuhin siya no'ng babaeng 'yon kaya agad akong lumapit sa gawi nila.

Galit na galit ako. Parang umuusok na ang labi ko, nagbabaga ang galit ko. Handa na sana akong sumigaw nang marinig ang usapan nila.

"I'm Jane! Nice meeting you, Jainzen! You're really handsome. I always see you at this café, that's why I'm always here for you." the woman said.

Nalaglag ang panga ko at nabitin sa ere ang dapat sabihin. Nga lang, huli na ang lahat nang mapansin ako ni Jainzen kaya napatingin din sa'kin ang babae.

"Uhm, may additional order pa po ba kayo, Sir… and Ma'am?" palusot ko para hindi mapahiya.

Umiling silang dalawa kaya bagsak ang balikat ko nang makabalik sa counter. Busangot tuloy ang mukha ko habang kinukuha ang order ng mga customer.

Brutal (Sour Hour Series #5)Where stories live. Discover now