Chapter 13

189 13 1
                                    

Chapter 13



Love is sweet like candy, it can wait until someone cherishes it, because that's how I understood the definition of love. Love can never be bitter. It is impatient and compassionate. We need to wait until the right love comes to our lives. It will come soon.

When your life is dark and you meet someone who can fill that darkness with light, you have found love. Love is... when you're living a harsh life and someone comes along and transforms it into a fairytale.

"Have you ever been in love, Jainx?" I asked him out of nowhere.

As usual, he's here again at the café. Vacant ko ngayon kaya nasa lamesa kaming dalawa habang kinakausap ko siya, nang bigla itong pumasok sa utak ko.

"Anong tanong 'yan?" natatawa pa siya.

"Curious lang ako…"

He sighed, pagkatapos ay umayos siya ng upo.

"To answer your question… no."

Kumunot ang noo ko. "Huh? Talaga? Kahit isa lang? Hindi ako naniniwala…"

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong focus na focus ako sa goal ko sa buhay na nakalimutan ko na ang mga bagay na 'yan?" he asked.

I tilted a bit as I looked at him. Maniwala? Ang isang Jainx, never pang naiinlove?

Ako ba, nainlove na ba ako? Hindi ko alam kung matatawag kong nainlove ba ako sa mga naka fling ko noon. Obviously, it's really for fun, and in that way, I can distract myself from my problem.

Hindi pa rin siguro ako naiinlove, kagaya niya…

"As in, never ka pang nagkagusto sa isang tao?" tanong ko.

He hummed. "Hmm, syempre oo. Normal naman iyon. Pero, ang sinasabi mong mainlove? Hindi pa. Hindi ko pa yata oras para d'yan."

"Pero matanda ka na,"

Napahawak siya sa dibdib niya na animong nasaktan.

"Grabe ka naman sa matanda. I'm just 25 years old." pahisteryang sabi niya.

I chuckled. "I mean, at your age, dapat nga nag aasawa ka na, e."

"At sino namang aasawahin ko?" He raised his one brow.

"Ako… I mean! Kung ako sa'yo, dapat naghahanap ka na ngayon."

He smirked. "Hindi naman 'yan hinahanap, kusang darating 'yan. If God already gives me my soulmate, then I will be thankful to Him."

"Anong naramdaman mo noon sa mga nagustuhan mo?" tanong ko.

Para na akong reporter dito sa katatanong sa kanya tungkol dito. I'm just curious and I want to get to know him better. Maybe because… I'm also interested in his life. Knowing that this is my first time being friends with a man whose age was much higher than mine.

"Wala. Typical na nararamdaman mo lang. Thrill, excitement. Inspiration and motivation. Gano'n lang…"

Isa lang ang masasabi ko. Kung sino man ang nagustuhan niya noon, napaka swerte ng babaeng iyon.

"Hindi mo niligawan?"

Umiling siya. "That time, I was preparing for my board exam, so… talagang wala akong oras."

"Pero kapag may oras ka, may posibilidad na ligawan mo siya?"

"Hindi din. Nililigawan lang naman ang isang tao kung gusto mo na siyang pakasalan, at kung nakikita mo na ang future n'yong dalawa." sabi niya.

Brutal (Sour Hour Series #5)Where stories live. Discover now