Chapter 6
Isang gabi nang pinatawag ako ni Papa papunta sa study room niya. Kinakabahan ako dahil alam ko nang pagagalitan niya ako, at tama nga ang hinala ko.
"Sinabi sa'kin ni Jainzen na nakikipag kita ka pa rin sa mga peke mong kaibigan." si Papa.
Bumuntonghininga ako at napairap sa kawalan. Nagsumbong talaga siya, ha?
"Sinabi niya din sa'kin na nagkaroon kayo ng hindi pagkaka intindihan kaya hindi ka na sumisipot sa tutor class mo sa kanya."
Magsasalita na sana ako nang bigla siyang tumayo sa harapan ko. I already knew that he was furious.
"What are you doing with your life, Verlyian!? I don't know you anymore." sigaw niya.
Doon na sunod sunod pumatak ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
"Hindi ko alam kung bakit biglang naging gan'yan ang buhay mo. Maayos naman kitang pinalaki at kayo ng mga kapatid mo. But… bakit ikaw ang kakaiba sa kanila? Saan ba kami nagkulang, Verlyian? We gave it all to you. Money… mga pangangailangan mo sa school. All of it!"
Ilang beses akong napakurap kasabay ng pag luha ko.
All? They gave it all to me? I doubt that. Ni hindi nila ako mabigyan ng pagmamahal. Akala nila, kapag binigyan nila ako ng pera at iba pang mga bagay, doon na ako sasaya.
Pero hindi. Hindi iyon ang hinihingi ko. I don't care about the money and such things. All I want is to be happy… all I want is a happy family, but I already know that I wouldn't get that thing.
Hindi na ako sumagot kay Papa dahil ayoko na ng mahabang usapan.
Pagod na ako.
Akala ni Sir Jainzen na hindi ko siya napapansin, pero ang totoo, halatang halata ko siya. He's still guiding me at alam kong dahil iyon ang utos sa kanya ni Papa.
"Sa likod tayo, Adrian." wala sa mood kong sagot sa kanya.
Tahimik siyang tumango. Hinila niya agad ako patungo sa likod ng school at doon ay hinalikan niya agad ang pisngi ko pababa sa leeg ko.
Seriously, habang ginagawa niya iyon, nakatulala lang ako sa kawalan. Wala ako sa mood.
Akmang bubuksan na niya ang butones ng damit ko nang makarinig kami ng malakas na sigaw.
"Hoy! Anong ginagawa mo!?"
Agad kong tinulak ng malakas si Adrian. Paglingon ko sa likod, doon ko lang nakita si Sir Jainzen na kadarating lang at halata mong nagpupuyos na ito sa galit.
Sa akin agad siya tumingin. Nang makalapit, agad niyang hinila ang palapulsuhan ko kaya naiwan ko na si Adrian na nakaupo sa may damuhan.
Hindi ko na namalayan na dinala na niya ako sa isang pasilyo kung saan wala mas'yadong student ang dumadaan. Nang mabitawan niya ako, ramdam ko na ang madilim niyang tingin sa'kin kaya yumuko agad ako.
"What do you think you're doing, Verlyian Elizendra!?" he almost shouted.
Nanatili akong nakayuko at hindi nakasagot sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng takot base sa boses niya.
His voice was really like thunder now. Na para bang may biglang litid ang naputol sa kanya kaya bigla na lang siyang sumabog.
"Making out here in university?" nagpupuyos ang galit niya.
I just swallowed hard.
"Makakarating ito sa daddy mo," madilim na sabi niya.
"At ano? Isusumbong mo na naman ako sa kanya, ha!?"

YOU ARE READING
Brutal (Sour Hour Series #5)
RomanceSour Hour Series #5 Verlyian Elizendra Velasco had a rough life when she was a child. Because of her fears, she didn't get to enjoy her youth, which led her down the wrong path. A man saved her from her brutal life and corrected her from walking dow...