Chapter 30
Shelter is not just a home, or a house you can live in. Shelter is also a… person that can give you solace and comfort. And for me… he has been my shelter ever since before.
I was still panicking. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko. I don't know what to do, I'm still scared but as long as Jainx is embracing me, napapawi ng kaunti ang takot sa puso ko.
I know, Jainx has so many questions for me, and I'm ready to answer all of them… but this happens.
Seems like there's someone preventing us from talking about it because this happens suddenly.
Nanatiling nakayakap sa'kin si Jainx habang nanglalamig pa rin ang buong katawan ko sa sobrang takot. Sa tuwing naalala ko ang itsura niya, ang pagngiti niya sa'kin… sapat na iyon para matakot ako nang sobra.
Bakit… bakit ko siya nakita roon? Namamalikmata lang ba ako? Bakit parang… sinasadya niyang ngitian ako para mas lalo akong matakot?
Jainx asked me many times what happened to me but I refused to answer. I have no voice right now. I was still thinking about their faces and laughs, kahit na ilang beses ko nang pinipigilan ang sarili kong tumigil sa pag iisip ng ganoon.
"Verlyian, kung hinayaan kitang hindi ako sagutin noon… this time, hindi ko hahayaang hindi ka magsasabi sa'kin." Jainx darkly said.
Nanatili akong nakatitig sa kawalan. Still not able to talk.
"Did someone hurt you, Verlyian?" mahinahon niyang tanong.
Hindi ako nakasagot. Narinig ko ang marahas niyang buntonghininga.
"Is this place… are you not comfortable here? Are you scared here?"
Dahan dahan akong tumango. As if on cue, hinila niya ang kamay ko at pinapasok sa kotse niya. Minaneho niya iyon hanggang sa makarating kami sa isang lugar na tahimik at mapayapa, maraming ilaw at sobrang ganda ng paligid.
I then looked at Jainx. Did he bring me here so that I would feel comfortable?
"Are you okay in this place?" he asked.
Hindi ako tumango, hindi ako sigurado. Bumuntonghininga siya at tinanggal ang seatbelt niya. Dahan dahan din siyang lumapit sa'kin para tanggalin ang seatbelt ko. Nang makalabas siya sa kotse niya, ako naman ang sinunod niyang pagbuksan ng pintuan.
"This place is safe, Verlyian. Don't worry, okay? And besides, I'm here to protect you."
Sandali akong napatingin sa kanya. Nilahad niya kalaunan ang kamay niya para makalabas na kami sa kotse niya. Dahan dahan ko iyong tinanggap hanggang sa makalabas na at binalot na ako ng sariwang hangin galing sa labas.
Rinig na rinig ko ang bawat hampas ng alon sa karagatan. Maraming mga ilaw doon na gawa sa isang bulaklak. Hindi ko maiwasang mamangha sa sobrang ganda ng view ko ngayon.
"T-Thank you for bringing me to this place…" mahinang sabi ko.
Niyakap ko kalaunan ang sarili ko nang makaramdam bigla ng lamig. Maya maya lang, nagulat ako nang may nagpatong bigla ng jacket sa ibabaw ng balikat ko.
"Do you now feel safe?" he asked me carefully.
Ngumiti lang ako sa kanya at dahan dahang tumango. Bumuntonghininga siya kalaunan at napatingin sa kalangitan.
"I still have a lot of questions that remain on my mind. I'm just… hesitant to ask you, because somehow, I feel that you're uncomfortable." panimula niya.
Suminghap ako. Kahit paano, medyo naramdaman ko nga na ligtas ako sa lugar na ito, lalo na't kasama ko si Jainx sa tabi ko, at alam kong hindi niya ako pababayaan.
YOU ARE READING
Brutal (Sour Hour Series #5)
RomanceSour Hour Series #5 Verlyian Elizendra Velasco had a rough life when she was a child. Because of her fears, she didn't get to enjoy her youth, which led her down the wrong path. A man saved her from her brutal life and corrected her from walking dow...