Chapter 11
Being independent is like a bird who's freely flying in the air, waiting for the place she wants to land on. And ever since before, I want to be a bird. A bird who is free to do anything I want, without thinking about other people.
After all, I deserve this freedom I am having right now, and it's all thanks to them who taught me how to be an even greater person. Because, without them, I will still be the same Verlyian Elizendra Velasco— a woman who's stuck in her cage.
I'm relieved that I'm now finally free with the chain that my parents gave me since before. But I still can't say if I already escaped this brutal life.
I smiled at the thoughts that were coming into my head as I packed my things in my luggage. Nasa likod ko sila Calleigh na pinapanood ako.
"Sigurado ka na ba talaga na lalayo ka na, Verly?" Calleigh asked.
Tumango ako habang kinukuha ang lahat ng gamit ko mula sa cabinet.
"Alam kong nagsasawa ka na rin kila Mama at Papa. Miski ako, nagsasawa na rin. Naiisip ko din na lumayo na rin sa kanila, pero hindi ko sila kayang iwan." si Cait.
I sighed. Tumayo ako para lapitan sila. To be honest, we're not really vocal to each other. Hindi kami ang magkakapatid na talagang sweet sa isa't isa. Para sa amin… mas pinapakita namin ang pagmamahalan through action. And now, seeing them being vocal with me through words…
"Hindi naman ako malalayo sa inyo, e. Aalis lang ako ng bahay. Bibisita pa din naman ako dito kahit paano." sabi ko. "Atsaka, hindi ako sanay na ganito tayo sa isa't isa, ha!"
Habang nagtatawanan kaming magkakapatid roon, napatingin ako sa pinto nang makita si Papa na nakasilip doon habang pinapanood kami. Kalaunan, lumapit siya sa'kin.
"Narinig ko na si Jainx ang nag udyok sa'yo na umalis dito,"
Bumuntonghininga lang ako.
"Akala ko mabuting tao siya sa'yo, pero doon ako nagkakamali." bawi niya.
"Hindi niya ako inudyukan, Papa. I'm the one who decided it, since I already woke up from my nightmare. I already realized and I already learned to be independent."
"Tignan natin kung hanggang saan ka dadalhin niyang sinasabi mo," mahinang sabi niya bago ako tinalikuran.
Lumipat na ako sa condo na sinasabi ni Jainx sa'kin. Sinundo niya ako dito sa bahay namin para samahan ako sa pag aayos ng gamit ko.
"Ako na…" sabay kinuha niya sa'kin ang ilang maleta na hawak ko.
Tumango ako at ngumiti sa kanya. Habang pinapanood siyang ayusin ang mga gamit ko sa loob ng bagong condo, isang ngiti ang biglang sumilay sa labi ko.
I immediately stop smiling. Doon ko lang na realize na kanina niya pa pala ako tinatawag. Tinatanong niya sa'kin kung saan ko ba ilalagay ang mga gamit na siyang sinasagot ko naman agad.
"Ganito din ako noong humiwalay kila Mama. Malamang, baka ma homesick ka mamaya…" he sighed.
Tumango lang ako sa kanya. Literal na siya na talaga ang nag ayos ng lahat ng gamit ko. Ni wala akong naitulong sa kanya. Pagtingin lang yata sa kanya ang na ambag ko.
"If you ever feel homesick, just call me immediately." he whispered.
I sighed. "Bakit ka ganito sa'kin pagkatapos ng mga nagawa ko sa'yo?"
"Pang ilang beses mo na 'yang tanong sa'kin," he chuckled.
"Seryoso kasi…" bumuntonghininga ako. "Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang bait mo talaga sa'kin. Para bang… handa kang tulungan ako sa lahat ng bagay."
YOU ARE READING
Brutal (Sour Hour Series #5)
RomanceSour Hour Series #5 Verlyian Elizendra Velasco had a rough life when she was a child. Because of her fears, she didn't get to enjoy her youth, which led her down the wrong path. A man saved her from her brutal life and corrected her from walking dow...