Chapter 4

317 22 34
                                    

Chapter 4



"Jainzen Rodeon Lizarda. Graduated of Bachelor of Science in Engineering. 24 years old. Civil Engineering." pagbabasa ko sa portfolio na binigay sa akin ni Sir Jainzen.

Up until now, I still can't believe that he's going to be my tutor. May mga nakahanda ng mga libro at notebook para sa'kin. Mamaya na ang start ng lecture. Inintroduce niya muna ang sarili niya sa'kin.

"Can I ask po kung bakit nag sideline ka bilang professor kung Engineer ka naman po pala?" takang tanong ko.

"Oh, that… it's because I just wanted to."

Tumango lang ako.

"Saan ka ba nahihirapang subject? You can tell me. Tutulungan kita." he then smiled.

"Calculus,"

"It's basic, you know. If you're really willing to learn, then everything will be easy for you. So, Verly, are you willing to learn?"

I nodded. "Yes,"

The lecture has already started. Nasa tapat ko si Sir Jainzen habang may mga tinuturo siya sa'kin about sa mathematics. At first, talagang nahihirapan ako, pero sinasamahan niya ng humor ang bawat tinuturo niya sa'kin.

"Naiintindihan mo na ba?" ulit niyang tanong.

Tumango lang ako sa kanya. May quiz kasi siya sa'king binigay at nakakuha ako roon ng five out of ten. Hindi na masama. Bago pa lang naman akong natututo at ito ang first day niya bilang tutor ko.

"Mr. Lizarda! Nandito ka na pala. Might as well join us while eating dinner?" si Papa na kadarating lang mula sa kung saan.

Tumayo agad si Sir Jainzen at agad na nag-bless kay Papa.

"Hindi na po. May mga kailangan pa po akong asikasuhin sa bahay." tanggi ni Sir Jainzen.

But of course, hindi siya hinayaan ni Papa na umalis agad.

"Oh, come on, Mr. Lizarda. Just for tonight?" pilit ni Papa.

Wala nang nagawa si Sir Jainzen nang hinila siya ni Papa paupo sa hapag-kainan. Kasama na namin ngayon sila Calleigh at Cait.

"So, kumusta naman ang first day ni Sir Jainzen sa'yo?" tanong ni Papa.

"Naging maayos naman po,"

"Hindi naman ba siya pasaway sa'yo, Mr. Lizarda?" si Papa kay Sir Jainzen.

Umiling ito. "Hindi po. Sa katunayan, she's really willing to learn at nakita ko po talaga ang determinasyon niyang matuto."

"Kung hindi mo kasi naitatanong, kaya ikaw ang kinuha ko, ay dahil malaki ang tiwala ko sa'yo. I've known your dad for so long, and sadly, maaga siyang kinuha… kaya talagang sayang. But anyways, Jainzen, tutukan mo nang maigi itong si Verlyian. Sutil iyang bata at pasaway. Baka mamaya, sa una ka lang niyang sisiputin sa tutor lesson n'yo." paliwanag ni Papa.

Napairap na lang ako sa kawalan at sumimsim sa tubig ko. Kailangan niya ba talaga iyong sabihin kay Sir Jainzen? Bigla akong nahiya sa kanya.

"Noted po, Tito."

Tito.

Hindi pa natigil si Papa sa pag-uusap kay Sir Jainzen. Kung saan saan na nga napupunta ang usapan.

"Your grandmother and grandfather own a real estate company, 'no?" tanong ni Papa.

Sir Jainzen nodded.

"At sa'yo nila iyon paniguradong imamana dahil only child ka lang naman ni Janice."

"Iyon nga po ang napag-usapan…" Sir Jainzen chuckled.

Brutal (Sour Hour Series #5)Where stories live. Discover now