Chapter 9
Each of us has an own outlook on life. Every day, we all make a variety of assumptions based on our convictions. We can make irrational or rational choices, both consciously and unconsciously. In our ocular perceivers, other people's decisions may be correct or incorrect. For pronouncing judgment on others, we may have good or flawed motives. We have the option of condemning them regardless of their circumstances.
I made a terrible mistake. I did it to him without considering what might happen to him as a result of what I had just done.
I suddenly forgot about the one who aided me in every battle because I was too enslaved to my mother. Because I opted to do what my mother told me to do, I became blind. Because of her, I've become a moron.
I'm now in my first year of college, and since then, I never saw Jainzen again here in our university. Or kahit saan mang lugar, hindi ko na siya makita.
I guess, it's all because of that issue that really affects him really hard and it's because of me.
My Mama won as the mayor of our city. Tuluyan niyang natalo ang nanay ni Jainzen. At sa palagay ko, kaya iyon nangyari ay dahil sa mga ginawa ko.
"Hindi mo ba talaga alam, Verly?" tanong ni Dashuel.
Nagkibit balikat ako.
"Kaya siya nawala dito sa university, ay dahil pinatanggal siya. Tinanggal sa kanya ang pagiging professor niya dahil doon sa kumalat na issue."
Umawang ang labi ko at agad na napatayo sa kinatatayuan.
"Inalis siya? Hindi siya kusang… umalis?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Tumango siya kaya mas lalo lang bumagsak ang balikat ko.
It's entirely my fault. Nawalan siya ng trabaho dito sa university dahil sa kinalat kong picture na wala namang katotohanan.
Gusto kong itama ang mali ko. Kapag nakita ko siya, hihingi ako ng tawad. Kahit na alam kong… walang magagawa ang sorry ko sa kanya. But still, I really feel sorry for him. Aamin ako na ako ang may gawa no'n.
Wala na akong pakialam kung magalit man sa'kin sila Mama kapag nalaman niya inamin ko ang katotohanan. Kung sila, kinakaya ng konsensya nila, pwes ibahin nila ako.
Nitong mga nakaraang araw, hindi ako makatulog habang iniisip iyon. May nadumihang pangalan nang dahil sa'kin! Natanggal siya bilang professor nang dahil sa'kin!
"Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?" tanong ko kay Dashuel.
"Aba, malay ko? Hindi naman na kami nagkakausap no'n."
"Paano kung sabihin ko sa'yong ako ang may gawa kung bakit siya natanggal sa trabaho niya?" nag aalangan kong tanong.
Sa totoo lang, nang dumating ako sa college, mas lalo lang kaming naging close ni Dashuel dahil sa ibang classes ay kaklase ko siya. Noong una, medyo nakakainis ang lalaking iyon, pero hindi maitatanggi na mabuti siyang kaibigan sa'kin.
Mabuting kaibigan. Hindi siya katulad ng ibang kaibigan na maninipulahin ang utak mo. Na ipapagawa sa'yo ang bagay na alam naman nilang makasasama sa'yo.
"Gago? Seryoso ka ba d'yan?"
Natawa ako sa naging reaksyon niya nang sinabi kong ako ang nagpakalat ng fake news dahil iyon ang utos sa'kin ni Mama.
"Bakit mo siya sinunod? Puwede mo naman siyang tanggihan. Atsaka… alam mong mali iyon, Verlyian." naiiling na sagot niya.
"Back then, I was too enslaved to my Mom. Masisisi mo ba ako?"
YOU ARE READING
Brutal (Sour Hour Series #5)
RomantikSour Hour Series #5 Verlyian Elizendra Velasco had a rough life when she was a child. Because of her fears, she didn't get to enjoy her youth, which led her down the wrong path. A man saved her from her brutal life and corrected her from walking dow...