Chapter 2

459 28 64
                                    

Chapter 2



Life is really full of mysteries. We don't know what could happen the next day, weeks, months, and years.

I stared at the students walking in the hallway. That's when I realized that we all have different kinds of life.

I looked at the girl who's eagerly running in the hallway, probably she's late for her class. What could be the reason why she's late? What happened to her in the past hours?

I realized that all people do have their own problems that we don't know. Alam kong hindi lang ako ang nakakaranas ng nararanasan ko ngayon.

May ibang students na nag-s-struggle sa pag-aaral nila. Ang iba naman, nape-pressure na makakuha ng mataas na grades.

We all have different struggles and insecurities in life. That's why we better keep our mouth shut up dahil hindi naman nila alam kung anong nangyayari sa taong iyon.

Yes, that was based on my experience. Sanay na ako sa judgemental society. Kadalasan, tinatawanan ko na lang sila, but deep inside, little they didn't know that it was stabbing my heart.

Jainzen Rodeon Lizarda…

Kung titignan mo siya, hindi siya mukhang professor dito. Kung hindi niya pinakita sa'kin ang ID niya, hindi pa ako maniniwala sa kanya.

"Bakit? Pakialam mo ba?" masungit na tanong ko.

"Kung ayaw mong ipadala kita sa guidance office, itigil mo na 'yan." madiing sagot niya.

I swallowed hard. Bakit naman ako matatakot sa tono ng boses niya? Professor lang naman siya dito. I don't even know him. Kaya probably, ito na ang una't huling pagkikita namin.

Sinubukan kong agawin sa kanya ang sigarilyo ko pero mas'yado siyang matangkad kaya hindi ko maabot. Ilang beses akong tumingkayad pero hindi pa rin sapat ang laki ko.

He's so fucking tall! Hindi ko ineexpect na may ganitong katangkad na tao pala sa buong mundo. Buong buhay ko, mataas ang tingin ko sa sarili ko na matangkad ako, but who am I kidding? When I saw this man in front of me, bigla akong nanliit.

"At susubukan mo pa talagang agawin sa'kin, ano? Matigas ka din talaga." he licked his lower lip.

"Akin na nga 'yan!"

Mas lalo lang siyang lumayo sa'kin.

"I'm sorry, Miss… I don't know your name and you're not one of my students. But, I'm sorry to tell you this, I'll not tolerate this kind of action. You already know the rules in this school, yet you disobeyed." he said darkly.

Ilang beses akong kumurap. Pinanood ko siya hanggang sa tinapon niya sa basurahan ang sigarilyo ko.

"Ano? Baka may iba ka pang dala? Give it to me now." may awtoridad sa boses niya.

Nilahad niya pa ang kamay niya sa'kin. Saktong dala ko ang bag ko at doon pa nakalagay ang mga vape at isang box ng cigarettes.

Kung ibibigay ko ito sa kanya para manahimik na siya, ayos lang sa akin. Makakabili naman ako ng bago.

Agad kong kinuha ang bag ko at binigay iyon sa kanya.

"At ako pa talaga ang magbubukas ng bag mo?"

Umirap ako at padabog na binuksan ang bag. Binigay ko sa kanya ang mga vape at cigarettes. Bahala na lang magsisi mamaya.

"Once I saw you again using vape or cigarettes, hindi ko na ito palalagpasin pa." madilim na sinabi niya.

Hindi ako nakasagot at nakatulala lang sa kanya. Inayos niya kalaunan ang buhok niya bago binalik ang tingin sa akin.

"Palalagpasin kita ngayon, but I'll surely remember your face. Hindi kita makakalimutan."

Brutal (Sour Hour Series #5)Where stories live. Discover now