Chapter 54

29 1 0
                                    

Chapter 54

Yohan's POV

Ewan ko kung napansin ni Rose na sya ung wallpaper ko. I never thought na maiiwan ko ung cellphone ko sa kotse nila. Npakacareless ko tlaga kahit kelan. Agad ko namang kinuha sakanya ung phone ko. Umakyat na ko pagkakuha. Medyo iniiwasan ko pa kasi sya dahil nga dun sa nangyari kagabe. Pero alam ko namang kelangan ko paring patunayan ang sarili ko sakanya.

Nkasalubong ko ang Dad ni Rose ng malapit na ko sa kwarto ko.

"Yohan, hijo, pumunta kayo ni Rose mamayang 11 am sa likod ng hotel. We'll do some activity and I will ensure you na mag eenjoy kayo rito."

"Yes Tito." I smiled and he pat me at the back. What kind of activity naman kaya iyon?

Pumasok agad ako sa kwarto at dun muna tumambay. Nagpapahinga ang lahat dahil sa pagod sa byahe. Kumain muna ko ng Potato Chips. Favorite ko 'to.

Chineck ko ung oras sa phone ko at 10:24am na pala. Mabuti pang gisingin ko na si Rose. Since yesterday, pinipigilan kong isipin si Rose pero nababagabag parin ako sa thought na mas gusto parin niya si Kuya. Malungkot pero di ko parin dapat tanggapin kasi meron pa kong kayang gawin.

Nakalimutan ko na ung oras, oonga pala gigisingin ko pa si Rose. Sinubukan kong maglakad pero ang bigat ng mga paa ko. Ang bigat ng bawat lakad ko, hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko. Haay. I never thought I would love her like this. I never loved someone like this before.

I found myself standing before her door.

"Rose.." tawag ko sa kanya. Indication na gusto kong pumasok.

Naghintay ako ng ilang sandali for a response pero wala pa rin.

"Rose?Are you there?" Wala paring sumasagot. Nag-aalala na ko. Nandito kaya sya? O baka naman ayaw niya lang akong makausap kaya ganun? I repeatedly called her by the name pero wala. Ilang minuto na ko rito.

I have a duplicate key of her room. Kaya naman nawala sa loob ko na nabuksan ko na pala ung pinto niya. Arrghh.. Makakasuhan ako ng trespassing dito.

Natagpuan ko syang natutulog. Basa ung unan niya, inisip kong naligo lang siguro sya pero hindi nman basa ang buhok niya. Ang tanging basa lang ay ung mga mata niya.

Tinapik ko sya sa braso. Tumingin sya sakin ng mapungay. Halatang pagod at inaantok. Pagod sa byahe.. at pag-iyak.

"Umiiyak ka ba?" Tumingin lang sya sakin kaya hindi na ko nagtanong pang muli.

"Sabe ni Tito pumunta ka raw sa likod ng hotel mamayang 11am at may gagawin daw tayo dun--" bigla syang yumakap sakin at pumikit ulit.

"Inaantok pa ko." bumilis ang tibok ng puso ko dahil hinigpitan nya pa ung yakap sakin.

"Pero Rose, mapapagalitan tayo ni Tito. Lalabas muna ko, magbhis ka na." hinatak niya ung braso ko nung umakma akong tatayo.

"Dito ka lang. Magbibihis na nga ako." saka sya sumimangot at tumayo. Naglalambing ba sya sakin? Ito ba ang way niya para magsorry? Kung ganun, nakakahiya mang aminin pero parang kinikilig ako sa bawat hawak niya. Haaays. Ang lakas ng gayuma ng babaeng 'to.

Hindi nya ko pinalabas ng kwarto, nakaunderwear naman sya paglabas ng CR. Tumalikod nalang ako. May respeto parin naman ako kahit gustong gusto ko na ung babae at kahit demonyo ko. Nakayakap sya sa braso ko hanggang sa makalabas kami ng kwarto at magpunta sa likod ng hotel..

Pag labas ng hotel ay pwedeng pwede ka ng tumakbo sa beach kaagad dahil napakalapit lang nito. Pumunta kaagad kami sa likod ng hotel at wala naman kaming nakikitang kakaiba kundi puro buhangin lang ang nandito. Luminga linga ako sa paligid.

"Nasan na ung mga tao?" Nakasimangot na tanong ni Rose sakin. Nagkibit balikat nalang ako dahil kahit ako hindi ko alam kung bakit.

"Rose! Yohan!" sigaw ni Mama samin.

"Wag na kayong lumapit dito, bumalik kayo sa hotel at kunin niyo ung pinakamahalagang bagay na meron kayo! Kailangan 'to para sa activity natin! Yung bagay na hindi pwedeng mawala sa inyo kahit anong mangyare."

Mukhang alam ko na ang mangyayari. Npalunok ako.

Made for A Special Day (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon