Chapter 25

48 2 0
                                    

Chapter 25

Rose's POV

Nagising ako na wala na ang dalawa sa tent. Kaya ayun nagligpit muna ako ng higaan. Inayos ko ang hinigaan namin. Napansin kong di masyadong nagulo ang higaan. Neat. Ang ayos nila matulog. Napangiti ako at biglang nawala sa pagddaydream ng may biglang..

BLAG!

"AGGHH.. Aray.." dali dali akong lumabas at nakita si Yohan na dumudugo ang kamay at nakaupo sa damuhan..

"Ang tanga tanga naman kasi nitong Yohan na to.. Di marunong sumalo ng kampit. " patalikod na sabi ni Bryan habang pinaglalaruan at jinujuggle ang mga kutsilyo sa kamay.

"Ano ka ba Bryan?! Tulungan mo nalang si Yohan!" bulyaw ko kay Bryan habang hawak hawak si Yohan sa mga kamay ko. Nagulat si Bryan sa pagkakasigaw ko at naglakad palayo.

"Bat ka ba nagkakaganyan?! Ano bang nangyayari sa'yo?!?" halos mamilipit na sa sakit si Yohan.

"Yang lalaking hawak mo.." nagkibit balikat nalang sya at naglakad palayo.

Bryan.. ano bang nangyayare.. Napaluha nalang ako..

Dinala ko si Yohan sa tent at nilagyan siya ng benda.

"Ano Yohan? Masakit pa ba?" nag aalala kong tanong sakanya.

"Ahhh medyo nalang naman.. Pero kaya ko na.." nakangiti naman nyang sagot sakin. Buti naman dahil di ko kayang makitang nasasaktan ang taong mahal ko.

Patayo na ko ng biglang nagsalita si Yohan..

"Rose.. Salamat ah.." agad ko naman syang niyakap.

"Okay lang yon Yohan basta ikaw." pagkasabi ko nun ay bigla niya kong hinatak..

At..

Hinalikan at inabutan ng sulat..

*--------------*

Bryan's POV

Kitang kita ko nung halikan ni Yohan si Red.

Naramdaman kong hindi ako makahinga at para ba kong dinudurog sa kinatatayuan ko. Kaya bago pa ko sumabog ay lumayo na ko..

Hindi pa ko nakakalayo at nakakailang hakbang palamang ako ay narinig kong may tumatakbo sa likuran ko.

Pag harap ko..

"Red.. bat ka--?"

PAK!

"Alam mo rin to Bryan? Bat di ko man lang alam? Inamin na ni Yohan sakin ang lahat!" nag-uunahan ang mga patak ng luha na dumadaloy sa mga mata nya.

"Red di ko alam kung anong sinsabi mo.."

"Anong di mo alam? Sabi niya ikaw ang magsasabi! Bakit niyo nilihim sakin to? Bakit niyo ko pinapaniwala sa isang ksinungalingan? Ilang taon na tayong magkaibigan pero pano mo ko nagawang lokohin!?" nangangatal ang boses ni Red at alam kong malapit na syang bumigay. Hindi na sya makahinga at alam ko rin ang nangyayare pag galit sya..

"Red tama na.. itigil mo na--"

Mukhang huli na ko dahil nagliparan na ang mga damo kahit ako ay napaupo na.

Pinilit kong lapitan si Red pero masyado na syang malakas at nagwawala na sya. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko at nilapitan sya.

"Red.. kung ano man yung sinabi sa'yo ni Yohan.. patawarin mo ko pakiusap.."

Made for A Special Day (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon