Chapter 3

57 3 0
                                    

Chapter 3

"Ano ba Rose? Iiwan mo nalang ba syang sugatan?" tiningnan ko lang sya ng blangkong tingin. Ano namang pakielam ko sakanya?

Naglakad ako papunta sa parking lot at sumakay sa motor ko.

"Rose ano ba?! Wala ka bang puso? Pwede ba kahit minsan kalimutan mo na ung nakaraan mo at bumalik ka sa dati!" bulyaw ng nagmamaktol kong kaibigang si Holly.

Kalimutan ang nakaraan at bumalik sa dati..

Naalala ko nanaman ang masalimuot kong nakaraan at ang galit na aking nararamdaman.

*-------------*

Pumunta ako sa rooftop kung san ko nakita ang lalaking

binugbog kanina dahil pinagtanggol niya ko sa mga lalaking nambabastos sakin. Wala naman nang epekto sakin kung bastusin man ako dahil sanay na ko. Kaya ko naman silang paluhurin kung gugustuhin ko.

Nakita kong bugbog na bugbog na talaga sya.

"Ung pinagtanggol mo iniwan ka pa! Kawawa ka naman Yohan. Kahit kelan talaga mahina ka at talunan!" nag-init ang ulo ko agad ng marinig ko ang nga katagang un.

"Bumalik. Ako. Para. Sa. KANYA." saying those words slowly and emphasizing the last word sent shivers down my spine. I remembered how I used to say those words.

"Parker. Alam mo babae ka lang eh.."

"I know. And that doesn't makes me weaker than you." I stayed cool. Chill.

"Gusto mo bang masaktan?!" napapahiya na ang lalaking bumugbog kay Yohan sa mga kabarkada niya.

"Go ahead. If you think hurting me makes you stronger then do so. But I am telling you that makes you more of a girl. Weak and nothing more." I smiled and raised up my two hands as a sign of surrender.

Galit na galit na ang lalaki at sinubukan akong suntukin. Magpapatalo ba naman ako? I know how to fight. I even know how to use a sword and a bow. Meron kaming ganun sa bahay.

Sinalo ko lang ang tira nya ng isa kong kamay at dinurog ito hanggang sa mamilipit na sya sa sakit.

"Walanya ka. Babalikan kita tandaan mo yan! RED ROSE PARKER!" naiwan na sya ng mga kabarkada niyang sanggano kuno. Iniwan na sya sa takot kanina pa ng di niya man lang nalalaman.

"I bet you are alright." saka ko nilagay ang dalawang kamay ko sa bulsa at nagkibit balikat.

"Bakit mo ko binalikan?" tanong sakin ni Yohan.

"Di kasi mapakali si Holly." nagdabog naman si Holly at lumapit kay Yohan. Bagay syang maging nurse dahil napakaalaga niya. Maasikaso at maaalahanin pa.

"That's not a reason. It doesn't even make sense Red."

Nagtitigan kami ng lalaking nasa harap ko ngayon. Poor guy. I don't think he knows who he is talking to.

I just shrugged and went off.

Umuwi ako at dumiretso sa park dala ang skateboard ko ng biglang nag ring ang cellphone ko. Wala ako sa mood kaya di ko sinagot. Ni hindi ko nga tiningnan kung sino ang tumatawag.

Maghahapon na kaya nagdesisyon akong pumunta sa beach ng nakaiskateboard. Sumama ang mga kabarkada kong sila Ford, Eleanor, Hero at Bruce. Dinaanan ko sila sa parke kanina.

"Hey Red." as usual. Ngiting nakakainlove ni Hero. Pero

syempre di ako naiinlove kahit gano pa sya kagwapo.

Nakipagfist bomb naman sakin si Ford at Bruce habang si Eleanor dinamba ko. I wear my usual Converse shoes. Black and red ang theme ng damit ko ngaun with matching checkered na polong three-fourths.

Inintay namin ang paglubog ng araw. Pinanuod namin ito. Ang ganda. Kahit ganto ako ay nature lover ako. Wala akong kaibigan oo. Dahil walang makatagal sa ugali ko. Ayoko ng maingay alam ng barkada ko un at syempre ni Holly.

"Red.. I have this girl na nililigawan." nakangiting nakatingin si Bruce sa sunset. Bruce Bruce Bruce.. Never fall inlove.

"So what's about her? And since when did you start to court that girl?" I asked him with a bored look at my face. I hate those words.

"You know what? She rejected me. I court her for 2 and a half years and been rejected thrice."

"Stop."

"What do you mean stop?"

"Stop courting her. You are wasting your time." tumayo ako at nagskate palayo.

Poor guy.

Made for A Special Day (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon