Chapter 56
Rose's POV
Di na ko umaasa. It's okay na wala na si Bryan. Nandian naman palagi si Yohan para sakin kaya ayos lang.
"Mango juice?" alok sakin ni Yohan. Inabot ko naman 'yon. Nakaupo kami sa buhanginan. Ngapapahinga ang mga magulang namin dahil sa mga activity na pinag gagawa namin.
"Ang lalim ata ng iniisip mo? Kanina ka pa nakatingin diyan sa dagat. Di ka man lang kumikibo." Nilalaro niya ung buhangin gamit ung mga paa niya. Tiningnan ko sya saglit.
Bakit ba hindi nalang ikaw ang mahalin ko? Nagawa mo lang naman akong lokohin dahil galit ka kay Bryan nuon. Kung titingan perfect din sya in and out. Gentleman, mabait, maaalahanin. Pero bakit di ko parin makalimutan ung kapatid niya?
Nagbuntung hininga ako.
"Tara na. Hindi ko kayang makita ka na nalulungkot." Tumayo siya at pinagpag ang shorts niya.
"Halika na. Tumayo ka na." sabay hatak sakin.
"Wag ka na sumimangot diyan. Alam ko namang di ka parin nakakaget over."
"Pano mo nalaman?" malungkot kong tanong. Hay.
Ngumiti lang sya ng may lungkot sa mga mata.
"I can wait. I can give everything you want. Pero please.. ayokong nakikitang nalulungkot ka." piniga niya ung mga kamay ko.
"Halika na nga Yohan, nadadamay ka lang sa drama ko eh. Mag jetski tayo!" pinahid ko ang mga luha ko at masayang masaya na hinatak si Yohan.
"Akong magddrive. Ayoko pang malunod at maligaw." hinampas ko sya sa braso at ngumisi lang sya.
"Seryoso ako." inirapan ko nalang sya. Kung di ka lang gwapo siguro napatay na kita.
Nakayakap ako sa kanya kasi nattakot akong mahulog. Feeling ko di pagkalunod ang ikamamatay ko kundi ung phobia ko sa mga pating. Feeling ko kasi pag nasa dagat ako makakain ako ng mga pating.
"Bakit ka huminto?" lumingon sya sakin ng nakasimangot.
"Pakiramdam ko kasi mamamatay na ko sa sobrang higpit ng yakap mo."
"Pwede ba ihinto mo nalang tayo dun sa ssunod na isla. Wag dito sa gitna ng dagat!" pinagkakalmot ko sya sa inis at siguro sa takot na rin.
"Natatakot ka ba?" nakangisi niyang tanong. Tinatakot pa kong ihulog sa dagat.
"Ano ba Yohan?! Dina nakakatuwa!"
"Uyy.. uyy wag ka.. malikot.. Mahuhulog tayo!"
Sa sobrang palag ko ay nahulog kami.
Hindi ako makahinga. Kinakabahan ako. May pating kaya dito? Ewan ko. Nagppanic ako wala akong magawa. Natatakot ako. Eww! Mga isda ba un? O mga pating?
"Rose!" Sabay hatak ni Yohan nung nailabas ko ng saglit ung ulo ko sa tubigan. Pero nandidilim na ung paningin ko. Nanghihina na rin ung katawan ko. Niyakap nya ko at nwalan nako ng malay.
Pag dilat ko ay magkadampi ang mga labi namin ni Yohan.
Ngumiti sya sakin.
"Ayos ba? Nawlan ka ng malay. Ilang beses pa kitang sini-CPR para lang magising ka."
"Bastos! Nagdadahilan ka lang!" saby tulak at hampas ko sa braso nya.
"I love you" hinalikan nya ulit ako at tumulo nalang bigla ung luha ko. Pilit ko syang tinutulak pero masyado syang malakas. Nalulunod na rin ako sa mga luha ko.
BINABASA MO ANG
Made for A Special Day (On Going)
RomansaAnong gagawin mo pag bata palang puno ka na ng heartbreak? Hanggang sa lumaki ka? Ung tipong ung mga magulang mo di tinuro sa'yo kung ano ang pagmamahal, miski sa taong inaasahan mo at kaisa isang tao ngunit iniwan ka nung bata kayo. Then one day ba...