Chapter 45

31 1 0
                                    

Chapter 45

Rose's POV

Mabilis na lumipas ang panahon. At bukas na agad ang alis ni Bryan. Masabi palang ang pangalan niya nanghihina na ko sa katotohanan na 50-50 ang pagbalik niya. Walang kasiguraduhan kung kelan pero nangako siyang babalik sya.

Nkahiga lang kami sa damuhan  habang pinapanuod ung mga bituin.

"Bryan.. ang bilis ng panahon no? Bukas na ang alis mo.." pinilit kong ngumiti habang nakahiga sa braso niya.

Medyo lumalamig dahil lumalakas ang hangin.

"Shh. Wag mong isipin yan.."

"Pero.. pero un ung katotohanan.." nangangatal na ang boses ko sa pagsasalita na marerealize kong mawawala nanaman ang bagay na pinakamahalaga sakin.

Hinimas niya ang ulo ko..

Sa kanyang mga yakap at halik pakiramdam ko safe na safe ako. The way ng pagkakahawak niya sakin na parang ingat na ingat.

Sumisikip nanaman ung dibdib ko at di ako makahinga kaya sinubukan kong umupo.

Napatingin si Bryan sa kamay niyang basa na ng luha..

Di ko napansing napuno ko pala ng luha ang kamay niya habang nakaupo ako.

Inakbayan niya lang ako at di sya nagsasalita..

"Babalik ako. Pangako."

"Pano ako makasisiguradong babalik ka? Magkakausap pa ba tayo?" naluluha at napalunok kong tanong sakanya.

"Syempre naman magkakausap pa tayo! Ichachat kita gabi gabi wag kang mag-alala."

"Pano naman ako makaksiguradong babalik ka?" npayuko sya sa tanong ko at di sya sumagot.

Hinampas ko sya sa dibdib.

"Nakakainis ka Bryan sabi mo bbalik ka.. Bat ngayon di ka makasagot? Saka ano bang aasikasuhin mo dun?! Ha? Magsalita ka!" nag-iba ang ekspresyon ng mukha nya ng may halong kaba at lungkot.

"Kung pwede ko lang sabihin sa'yo eh di sana matagal ko ng gnwa." napatingin sya sa mga bituin.

"Ang tagal kitang hinanap Red. Ang tagal kong hinintay na mapasakin ka." napangiti sya habang nakatingin sa kawalan at umiling iling.

"Pero ngayon kelangang isugal ko ang pagsasama natin. Ayokong masaktan ka. Ayokong madamay ka sa gulo."

HUUUHH?

Hindi ko sya maintindihan.

Anong gulo? San ako madadamay??

Pinapatuloy ko lang ang pag-iyak ko.

"Saktan mo ko para kahit ppano makabawi man lang ako sa mga pananakit na nagwa ko. Pahirapan mo ko para kahit papano makaganti ka man lang sakin dahl pinapaiyak kita. Murahin mo ko para naman kahit papano makabawi ka sa lahat ng kasalanan ko sa'yo."

"BRYAN! Gustong gusto kong gawin lahat sa'yo yan! Gusto kitang murahin dahil niloko mo ko. Gusto kitang sampalin dahil sinasaktan mo ko at gusto kong maghirap ka para sakin dahil pinapaiyak mo ko gabi gabi! Pero kasi.. itong pusong to!" sabay turo ko sa puso ko habang pinagduduldulan sakanya ang bawat salita.

"..di ka kayang saktan at di niya maatim na nakikita kang nasasaktan.. dahil itong pusong to.."

Hinawakan ko ung kamay niya at nilagay sa dibdib ko kung nasan ang puso ko.

.

.

.

.

.

.

"Mahal na mahal ka."

Made for A Special Day (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon