Chapter 31
Bryan's POV
Tinawagan ko sya sa cellphone.
"Kasama mo na ba sya?"
"Oo. Kinaladakad ko. Ready na ba kayo?"
"Oo, intayin ka namin dito sa carnival."
"Okay."
Narinig kong nagsalita si Yohan. Kahit kelan ka talaga Red. Ikaw ang the best sa lahat.
"Bryan! Namiss kita!" sinunggaban ako ni Red at niyakap.
"Ang bilis niyo naman ata?" Malapit na pala sila nung tumawag ako.
"Teka teka ano to?" takang taka at nakataas ang kamay ni Yohan.
Napangiti si Red.
"Yohan mapapatawad mo ba ang kapatid mo?" napanganga si Yohan at nanlalaki ang mga mata?
"Anong meron?" Inakay ni Red si Yohan at pinasakay sa ferris wheel kasama ko. Si Grace at Holly naman naiwan sa baba.
Pag dating ng tamang oras at madilim na madilim na ang gabi ay tinext ko na sila Holly.
Sinindihan nla ang fireworks.
"Yohan.. natatandaan mo ba nung lagi kang pinagtatanggol ng kuya mo pag may nang-aaway sa'yo?" nakatingin lang silang dalwa sa fireworks.
Ang ganda nga namang makita simula dito sa itaas.
"Natatandaan mo din ba ung mga panahong lagi ka nyang inuuwian ng pasalubong galing school?" napatingin sakin si Yohan at nakita kong pumatak na ang mga luha sa mata niya.
"Sorry, naiinggit lang ako dahil laging skanya ang atensyon. Naisip ko na kapag sinaktan ka ay masasaktan rin sya."
"Alam mo..nagpapasalamat nga akong dumating ka sa buhay ko. Kasi kung hindi, baka di bumalik kay Bryan ang feelings ko." hinawakan ni Red ang kamay naming dalawa.
Di ako makapagsalita na ganto sya kagaling mangumbinsi at ganto sya kabilis magpatawad. Kahanga hanga talaga ang babaeng to. Espesyal ka talaga para sakin.
"Group Hug!" bgla kaming niyakap ni Red. Natawa kaming dalawa ni Yohan at dinurog namin sya sa gitna.
"Group hug pala ha?" sabay kurot ko sa pisngi niya habang pababa kami ng ferris wheel.
"Halika spend natin tong araw na to ng magkakasama!" Sigaw ni Red sa mga kasama.
Kahit kelan talaga di ka parin nagbabago.
Napangiti ako sa kakulitan niya.
BINABASA MO ANG
Made for A Special Day (On Going)
RomanceAnong gagawin mo pag bata palang puno ka na ng heartbreak? Hanggang sa lumaki ka? Ung tipong ung mga magulang mo di tinuro sa'yo kung ano ang pagmamahal, miski sa taong inaasahan mo at kaisa isang tao ngunit iniwan ka nung bata kayo. Then one day ba...