Chapter 49

20 1 0
                                    

Chapter 49

Rose's POV

"Mom, kaya ko na po. Wag kayo mag-alala." hawak ako ni Mom sa magkabilang balikat at halatang nag-aalala sya. Wala pa kasi ako sa kundisyon at alam nya yun. Alam niyang nahihirapan pa ko huminga at lalong mas nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon na wala na kami ni Bryan at wala na nga talga si Bryan sa tabi ko. Di ko na alam kung makakabalik pa sya after nung mga sinabi niya.

"Don't worry tita ako na pong bahala kay Rose." paalam ni Yohan habang nakahawak sa kamay ni Mom para sabihing magiging okay lang ako at huminahon na sya. Umirap nalang ako sa moment na 'to. Ewan ko ba.. 1 week na ang nakakalipas pero di parin ako nakakamove on. Ang dami na kasi naming pinagdaanan kaya parang nahihirapan talga ko na kalimutan sya.

Kasama ko si Yohan. Araw araw. Nagsskateboard na ulit ako habang sya naglalakad. Nakabackpack ako at bumalik ako sa dating kasuotan. Un talaga ko eh, anong magagawa ko?

Luminga linga ako sa paligid at huminto sa tapat nung ice cream store. Iniiwasan ko tong lugar na 'to. Dito kasi kami madalas pumunta ni Bryan nung bata pa kami. Sa tuwing naaalala ko yun naiiyak ako. Pero ngayong nakamove on na ko. Dito rin kasi ako muntik na makidnap.

*Flashback

Naglalakad ako papunta sa bahay ng lola ni Bryan. Malapit na sana ko nung  biglang may tumakip na panyo sa ilong ko. Di ako makahinga at nagppumiglas ako pero ang lakas tlaga nung nakahawak sakin. Wala akong magwa.

Tapos wala na.. nagiging blurred na ung paningin ko.

"hmpphh.. umm..hmm!!"

Kinurot kurot ko ung nakahawak sakin. Nakita kong may papalapit.. Si Bryan ba yun? Ang knight in shining armor ko..

Tinirador niya ung lalaki at humingi ng tulong. Dala dala niya rin ung aso niyang si Boom. Tumahol ng tumahol si Boom kaya maraming dumating na tao kasi maingay.

"Bryan thank you ha."

"Wala yon. Ang engot mo kasi."

*end of flashback

"Anong iniisip mo?" Oonga pala kasama ko si Yohan at papasok kami ngaun. Tumingin lang ako sakanya at di kumibo. Di rin naman siya umapila nung tumalikod ako at naglakad palayo. Alam niyang nahihirapan ako sa nangyayari sakin at ganun din naman sya.

"Iintayin kita mamayang lunch ha. Punta tayo sa mall may bibilin ako." tumango ako bago umalis pero pinigilan niya ko sa balikat.

"Uhh Rose.."

"Hmmm?"

Kinuha niya ung kamay ko at may inilagay.

"Mag-iingat ka daw palagi sabi ni Kuya."

Napakunot ang noo ko. Ano naman to? Nakabalot sa gift wrapper na gold ung regalo. Ngkibit balikat lang si Yohan nung tingnan ko sya.

"Aalis na ko. Kita nalang tayo mayang lunch."

Iniwan niya kong nakatingin sa regalo.

Umupo muna ko sa isang bench bago pumasok ng klase. Malaki ang kahon at wala akong maisip na mailalagay dito.

Naalala ko nanaman si Bryan. Di ko mapigilan ang luha ko. Di ako makahinga. Pumikit nalang ako at kinuha ang inhaler ko.

Bumabalik nanaman kasi ang asthma ko.. bakit ngayon pa? Ngayong di ko kayang alagaan ang sarili ko at walang mag-aalaga sakin.

(A/N: Sorry po for the short update :( Thank you po sa pagbabasa! <3"

Made for A Special Day (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon