Chapter 30
Yohan's POV
Haay.. Nakaganti nga ako pero bat parang di naman ako masaya? Bakit ba kasi simula nuon laging nakaatensyon ang lahat kay Kuya?
Napayuko ako habang kinukulit ni Natalie..
Actually mabait si Natalie.. Di sya bitch katulad ng ibang babae. Pero bat parang ang namimiss ko ay si Rose kesa sa girlfriend ko?
Napabuntung hininga nalang ako.
"Yohan.."
"Rose?!" paglingon ko si Natalie lang pala. Tinamaan na ata ako. Haaaay. Di pwede ito.
"Rose? Bakit ba si Rose lagi ang hinahanap mo? Pati sa panaginip mo si Rose ang binabanggit mo. Meron bang namamagitan sainyo?" halatang naiinis na si Natalie. Oo nga naman? Bakit nga ba si Rose ang hinahanap ko?
"Sorry babe." sabay tayo at nilayasan ko sya. Ano ba tong nangyayari sakin?
Bawat sulok ng lugar na to nagpapaalala sakin tungkol kay Rose.
Aggghh.. Sinabunutan ko ang sarili habang nakaupo sa isang bench malapit sa isang candy store.
Napayuko nalang ako habang nag-iisip kung anong magagawa ko para kalimutan ang babaeng yon.
"Yohan?" napatingin ako sa babaeng nagsalita.
"Rose.." binukas ko ang bibig ko pero walng lumabas na salita. Tongue tied? Tss.
"Okay na sakin ang lahat Yohan." ang bait talga ng babaeng to. Sabay hatak sakin. Ano ba tong nararamdaman ko?
Butterflies.
"Yohan bat parang namumula ung mukha mo?" nanlaki ang mga mata ko at hinawakan ang pisngi ko.
"Ahh wala.. naiinitan lang.." binigay niya sakin ung ice cream na hawak nya kanina pa. Favorite flavor niya daw un pero binigay niya sakin pampalamig. Sweet.
Hatak hatak niya pa rin ako at ayaw bitawan.
San ba kami pupunta? Ayaw niya namang magsalita tuwing tinatanong ko sya. Pagdating sa isang sulok ay may kinuha sya.
Dalawang skateboard?
"A-ano yan?"
"Skateboard." nakapout na sabi nya.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Ano ba tong pinagsasabi ko? Para kong kinakabahan na natatae. Yuck.. Ughhh.. What's happening to me?
Nasusuka rin ako..
"Anong gagawin natin dyan?" napangiti sya ng nakakaloko..
Oh hinde.
"Halika Yohan sundan mo lang ako. Hahawakan ko naman ung kamay mo. Di kita bibitawan." bakit pag sya ang nagsasabi ng mga katagang yon parang nagiging okay ang pakramdam ko?
Bakit nagiging kampante ako pag sya ang nagsasalita?
BINABASA MO ANG
Made for A Special Day (On Going)
RomanceAnong gagawin mo pag bata palang puno ka na ng heartbreak? Hanggang sa lumaki ka? Ung tipong ung mga magulang mo di tinuro sa'yo kung ano ang pagmamahal, miski sa taong inaasahan mo at kaisa isang tao ngunit iniwan ka nung bata kayo. Then one day ba...