Chapter 46

24 1 0
                                    

Chapter 46

Rose's POV

Pagulong gulong ako sa kama habang umiiyak. Mamayang gabi na ang alis ni Bryan. Ano namang gagawin ko? Nagmukmok ako after kong sabihin ung mga katagang un sa kanya. Nkakahiya ung ginawa ko. Pero anong magagawa ko kung baliw na baliw tlaga ko sakanya?

Nagtalukbong lng ako ng kumot at pumikit. Yakap yakap ko ung unan ko ng may biglang humatak ng kumot ko.

"Sorry Flareon.." Oonga pala. Dahil sa pagmamaktol ko naaapektuhan na si Flareon. Di ko na sya napapakain. Minsan nga gusto ng angkinin ni Holly si Flareon, dahil sa tuwing nag-aaway kami ni Bryan sya nagbubuntungan ko ng inis.

Napabuntung hininga nalang ako.

"Bryan.. Bryan.." Bat di kita matiis? Ilang beses ko di pinansin ang mga tawag mo pero lagi ko parin sinisilip phone ko kung sakaling nag-iwan ka ng message.

"BRYAN! BAT BA LAGI KANG TUMATAKBO SA ISIP KO! Sbagay di ko naman hiningi na mahalin mo ko..saka.. sabi ko nga pala wag na wag kang maiinlove sakin." Nagplay sa utak ko un.. Oonga pala. Di ba sabi ko bawal siyang mainlove sakin? Eh bat sya nainlove? Nagsisigaw nalang ako sa inis at tinanggal ang talukbong ko.

Ng makita ko si Bryan na nakatayo at hinihimas si Flareon. Kaya naman pala di na ko ginugulo nung aso ko..

"Matagal na kong inlove sa'yo bago mo pa sabihin yon, kaya masisisi mo ba ko?" tiningnan ko lang sya ng masama.

Pilit niyang tinatanggal ung kumot ko pero nagppumiglas parin ako.

Di ko na napgilan ang mga luha ko at unti unti ng bumuhos..

"Bakit? Ba..bakt *sniff kelangan..pa? *sniff bakit kelangan mo p-pang u-umalis?" di ako makahinga at bawat salitang bitawan ko parang dinudurog ung puso ko.

Ung tipong heto na eh. Bakit kelangan nnamang mawala?

Pano kung paglaruin kami ng tadhana? Pano kung di na kami magkitang muli? Magiging ligtas ba sya? Magiging masaya ba kaming dalawa?

Niyakap niya ko ng mahigpit.

"Tatapatin na kita.. Hindi ko alam kung kelan ako babalik.. Dahil ang pagbalik ko.. ay wala ng kasiguraduhan.."

Para kong binuhusan ng malamig na tubig sa mga narinig.

Wlang kasiguraduhan? Bakit? Ano bang meron?

"Pero nangako ka! Bakit ka pa nagtapat at nangako sakin kung iiwan mo lang rin ako at sasaktan?!" sigaw ko sakanya sabay bato ng kahit anong gamit na madampot ko.

"Dahil gusto kong maranasan.. kahit sandali lang.. na mahalin mo.." napayuko siya habang sinasalo ang mga sampal at pagdadabog ko sa dibdib niya. Habang hawak ako habang nagwawala ako sa mga braso niya.

"Ngayong naranasan mo na? Masaya ka na bang saktan ako sa pangatlong pagkakataon?!" tumulo ang mga luha niya at nakita kong iba ang panginginig ng labi niya. Hndi ito simpleng iyak ngunit parang sobra.. Pra siyang humahagulgol..

Bawat patak ng luha nya ay kinakagat niya ang labi niya. Nagdudugo na nga ito sa sobrang diin ng kagat niya. Parang pinipigilan niya ang emosyong ayaw niyang pakwalan at ang sakit na kanyang nararamdaman.

"Kung alam mo lang na ilang taon akong pinagbigyan makasama ka lang. At ung mga taon na un ay tapos na.." kagat kagat niya ang mga labi nya habang sinasabi ang mga salitang yon.

Ilang taon? Pinagbigyan nino?

"Marami ka pang di alam.. Dahil ang katotohanan ay makakasakit. Kaya pilit kong tinatago sa'yo at sana pag nawala na ko hindi mo na dalhin tong mga sakit na to. Sana pag-alis ko.. pakiusap Red wag mo ng alamin ang mga bagay na hindi mo na dapat pang malaman.. Gusto ko lang humingi ng isang pabor bago ko umalis.." hindi ko gusto ang tono at emosyong pinapakita niya nung humingi siya ng pabor. Ngumiti sya bago magpatuloy ulit.

"Pakiusap Red..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kalimutan mo na ko."

Made for A Special Day (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon