Chapter 53

31 1 0
                                    

Chapter 53

Rose's POV

Aalis kami ngayon nila Mom. Yeah, tama kayo ng basa. Family Bonding to. Minsan lang mangyare 'to at bilang na bilang sa daliri kung ilang beses palang kami nagkakasama sama.

Napasubsob ako sa biglang pagpreno ni Dad.

"Dad, bat ka huminto?"

"May hinihintay pa tayo."

"WHAT?" Tumingin ako sa paligid at nakita ang bahay nila Yohan. Nandun ang dad nya at ang stepmom niya.

Masayang binati ni Mom at Dad ang mga magulang ni Yohan.

"The heck dad, don't tell me--?" nakipagtitigan ako kay Yohan habang pasakay ng kotse at umupo sa tabi ko.

"Don't be so rude Rose. After all, they are our family friend and remember na bestfriend mo si Bryan di ba?"

Tumingin nalang ako sa labas para di mahalata na iniiwasan ko si Yohan at lalo ng ayokong marinig muna sa ngayon ang pangalan ni Bryan.

Pinatong ni Yohan ang kamay niya sa kamay ko pero inalis ko kagad iyon. Ayokong magka issue pero tiyak namang di magkakaroon kasi alam nilang close kami ni Yohan. Basta. Ayoko parin lalo na't iniwan ko sya kagabi. Nakakahiya.

Malayo layo na rin ang byahe at patagal ng patagal ay nakakaramdam ako ng antok. Npapapikit na ko at nasandal kay Yohan pero di ko na magawang idilat ang mga mata ko at alisin ang sarili ko dahil antok na antok na ko.

*DREAMLAND

(Rose..)

(Rose..)

May naririnig akong boses. Nasa forest ako ngayon at hindi ko alam kung sinong tumatawag sakin. Isang babae na napakaganda na nakaputi..

Parang nakita ko na sya nuon.

"Sino ka?"

Humarap sya at lumapit sakin. Nakangiti sya at niyakap ako.

"Ako ung Grandma mo, Rose.."

"Grandma?"

"Hindi mo ba natatandaan na ako ung nagbigay sa'yo nung kapangyarihan mo?"
Parang hindi makatotohanan di ba? Pero sumpa iyon. Parang kulam ang ginawa ko sa'yo.

"Pero grandma bakit? Ang dami kong napipinsala sa galit ko."

"Ginawa ko iyon para matuto kang kumontrol ng nararamdaman mo. Ngayon.. marami ka pang hindi alam kaya di ko muna iyan tatanggalin sa'yo. Massaktan ka ng sobra at makakasakit ka rin ng higit sa ginawa sa'yo."

Bumulong siya sa tenga ko bago nawala.

Be careful what you wish for..

Nagising ako nung huminto ung sasakyan.

Panaginip yun di ba? Bakit ang weird.. Napabuntong hininga nalang ako.

"Baba na Rose, ikaw nalang ang maiiwan diyan. Hinahakot na namin ung gamit, sumabay ka na at baka maligaw ka pa sa hotel." sabi ni Dad.

Tumango nalang ako at kinuha na ng mga gamit ko. Nakita kong naiwan ung phone ni Yohan sa kotse kaya kinuha ko na iyon.

Umilaw at nagvibrate ung phone niya indication na may nagtext.

"WHAT THE--?"

"Akin na nga yan."

Made for A Special Day (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon