Chapter 48

24 1 0
                                    

Chapter 48

Rose's POV

Dinilat ko ung mga mata ko at napansing wala ako sa kwarto ko. Wala rin akong maalala sa mga nangyari kanina. Basta ang alam ko lang ngayon masakit ang ulo ko. Hinawakan ko ang ulo ko at napatingin sa nakatusok na karayom sa braso ko.

Anong gingawa ko dito? Bakit ako nasa ospital?

"Akala ko di ka na magigising." napalunok na sabi ni Yohan.

"Ha? Anong sinasabi mo? Nkatulog lang nman ako di ba? Pagod lang yun." umiling iling sya at para bang kinabahan sa sasabihin.

"Rose.. nakaalis na si Kuya. Tatlong araw ka ng tulog at walang malay. Akala ko nga patay ka na." anong sinasabi ng lalaking to? Tatlong araw? Di ko man lang napuntahan si Bryan at nasulyapan sa huling pagkkataon. Pero sabagay pinagtabuyan naman niya ko. Siguro ayaw na niya sakin at may gusto na syang iba.

"Ano bang sinasabi mo Yohan?"

"May sakit ka Rose." napakunot ang noo ko.

"Sakit? Ano namang sakit ko eh wala naman akong nararamdaman kakaiba? Pano ko magkakasakit?" pinagpawisan si Yohan. Ibinubuka niya ang bibig pero wala namang salita at boses na lumalabas. Para ba syang natatakot sa sasabihin.

"Diretsuhin mo na ko Yohan."

"Rose.. may sakit ka na tumitigil ang tibok ng puso mo. It can last for minutes, hours or even days." inintay kong magpatuloy siya pero hangga't di ako nagsasalita o nagtatanong ay wala syang babanggitin.

"Dinalaw ba ko ni Bryan?" napalunok sya at napatingin sa sahig..

Alam ko namang yun ang sagot.. Syempre hindi. Pagkatapos niyang sabihin na kalimutan ko na sya, ano pa bang inaasahan ko?

Nag akma akong tatayo at sinubukang tanggalin kung ano man tong mga nakakabit sakin.

Aalis ako dito. Kahit anong mangyare sakin, wala akong pakielam. Tinanggal ko na 'to at naglakad paalis. Sinubukan akong pigilan ni Yohan..

Argghh..Ang sakit.. napahawak ako sa dibdib ko..

"Mas masakit pa 'tong nararamdaman ng puso ko kesa sa nararamdaman ng katawan ko. Kelangan ko pang saktan ang sarili ko para maibsan ang sakit at malipat dito!" sigaw ko habang tinabig si Yohan. Hinang hina ako dahil di ako nagising sa loob ng tatlong araw.

"Rose nakaalis si Kuya ng hindi man lang nalalaman na may sakit ka!" pigil at hatak nya sa braso ko.

"Wala akong pakielam! Hindi ko na kelangan pang mabuhay dahil simula't sapul naman wala ng nangyare saking maganda. All I ever felt was hatred, anger, fear and hurt!" hinayaan ako ni Yohang mag-isa at magpakalayo pero gusto niya nakikita parin ako. Hinayaan ko syang sumunod dahil pagod na rin siguro ko..

Umupo ako sa tabi ng lake. Kinuha ko ang isang bato at hinagis ito. Nagbounce ng nagbouce ung bato 3 times.

"Ito ang lagi nating ginagawa nuon Bryan.. Sa katunayan.. dito rin tayo nagsimula." Oo. Dito tayo nagsimula.. dito kita nakilala, dito kita natagpuan nung may party samin. Tinanong ko ang pangalan mo pero inisnob mo ko. Napangiti nalang ako habang pilit na nilalabanan ang mga luhang kanina pa gusto kumawala.

Tumingin ako sa langit. Gabi na, punong puno ng bituin. "Natakot akong pakwalan ka.. Dahil alam kong may posibilidad na di ka na bumalik. Salamat. Salamat sa ilang taong pagsama sakin. Kahit wla ka na, kakayanin ko. Maari ngang di ka na bumalik sabi mo.. pero naniniwala ako na di mo ko iiwan.. panghahawakan ko ang pangako mo. Sorry ha.. Ganto ko katanga.." at sa huling sabi ko.. di ko na napgilan, niyakap ako ni Yohan.

"Bakit ganon? Kelan ba kami magkakaroon ng happy ever after? Bakit ganon ang tadhana?"

"Rose.. you make your own choice.. you make your destiny.. Hindi tadhana ang naglalaro, kundi ikaw. Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan. Kung gusto mo talaga sya kahit paghiwalayin pa kayo ng isang milyong pagsubok at hinanakit, ikaw na ang mamimili niyan. Bibigay ka ba o lalaban pa?" hinalikan niya ko sa noo at ang alam ko nalang ay nakatulog ako sa mga bisig nya.

(A/N: Guys, may sakit talaga na tumitigil ung tibok ng puso kaya iisipin mo na patay na ung tao lalo na kung days. Di ko alam tawag e, sorry :3)

Made for A Special Day (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon