Chapter 50

46 1 0
                                    

Chapter 50

*Para kay boyfie to. Merry Christmas! Remember these lines when I was broken? <3

Yohan's POV

"Kung kaya ko lang tanggalin yang sakit na nararamdaman mo at ilipat sakin. Kung pwede ko lang kuhanin lahat yan at ako nalang ang umiyak at masaktan para sa'yo." Argghh.. Ano ba 'tong sinsabi ko? Aagawan ko pa ba si Kuya? Tapos na ang turn ko na mahalin ni Rose at sinayang ko lang 'yun. Bat kasi.. Bat ganto ung nararamdaman ko? Di ako dapat mainlove sakanya di ba? Di ba dapat sinasaktan ko sya? Pero tapos na ung mga sakit. Bakit eto na ung nararamdaman ko? Wala to sa plano.

Nakita ko syang lumabas. Tumatakbo. Umiiyak. Haaay.

"Sorry Natalie.. ayoko na talaga."

"Ano bang sinsabi mo Yohan? Di ba okay pa tayo nuon? Dahil ba dian sa Rose na yan kaya ka nagkaganyan? Bakit Yohan? Ang tagal tagal na natin!" sabay sigaw at hampas sa'kin.

*PAK

Wala akong maramdaman. Naaawa lang ako sakanya.

Bat di ako affected? Natulala lang ako at namanhid sa kinatatayuan. Di ko alam ang gagawin.

Hinawakan ko lang sya sa braso at sinabing.. "Sorry.." bago tumalikod. Binato niya ko at nagsisigaw. Nagwala sya. Pero anong magagawa ko? Mas kailangan ako nung isa. Saka.. wala na kong nararamdaman para sakanya. Alam kong di ako magugustuhan ni Rose pero pipilitin kong protektahan sya. Alam kong may dahilan si Kuya kung bakit nya iniwan si Rose. Pero bakit ang bilis naman?

Naglakad ako ng naglakad. Lutang ang isip ko. Di ko alam kung san ako ppunta. Di ko alam kung anong meron. Pero eto na eh.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa tapat ng bahay nila Rose. Ang galing nga rin ng mga paa ko. Dito pa talaga ko dinala.

Napangiti ako.

Medyo lumalamig na dahil malamit na ang Pasko. December na kasi. Ilang buwan na rin simula nung nawala si Kuya.

Kumatok ako sa bahay nila.

"Ohh Yohan ikaw pala.  Nandun si Rose sa taas. Akyatin mo nga at kakain na." inaya akong kumain ni tita pero sabi ko mamaya nalang at busog pa ko. Saka si Rose ang pinunta ko rito.

Kumatok ako sa pntuan niya pero walang sumagot. Kaya binuksan ko nalang. Di naman kasi nakalock eh. Bago 'to ah. Laging nakalock ang pinto ni Rose simula nung umalis ang kapatid ko. Wla na daw kasing dahilan para iwan niya pang bukas yung pintuan.

Nakita ko syang nakadukdok. Tulog pala. Nakatulog kaddrawing. Syempre un ang talent nya, un din ang hobby niya. Tumingin pa ko sa kwarto at napansing di parin niya binubuksan ung regalo. Lumapit ako dun at hinawakan un. May nakasulat pala sa labas na sa Pasko nalang niya buksan. Ano nman kayang laman nito? Landi tlga ni Bryan.

Nagising si Rose kaya inangat niya ung ulo niya. Tumingin sya sakin at binalik ang tingin sa ginuguhit niya. Biglang nilamukos at tinapon sa basurahan na nasa tabi ng study table niya.

"Bat mo naman tinapon ung drawing mo?" tiningnan niya lang ako.. at pagkatapos ng ilang minuto nagsalita.

"Di naman kasi importante ung mga ginuguhit ko. Di naman sila nagkakatotoo. Di naman sila nabubuhay." Bakit naman niya gustong mabuhay ung drawing niya? Pinulot ko un sa basurahan at tiningnan.

Ginuhit niya sila ni Kuya.. Masaya sa damuhan na kumakain. Tiningnan ko pa ung iba at nakita ko na may isang parte na kasama ako doon. Kami ni Rose.. nangingisda.

Naalala ko nung araw na iniwan ko sya nung mangingisda kami. Napailing ako. Mgsasalita sana ko nung marinig ko syang humihikbi.

"Rose.."

Ginuguhit niya na ngppropose sakanya si Bryan. May dalang bouquet, chocolates at nasa isang five star hotel. Engagement party na nsurprise siya. Na di niya inexpect.

"Ito lang ang hiling ko.. para sa birthday ko. Alam kong kung hhilingin ko to ng Pasko di naman magkakatotoo." sabagay pwede na ikasal tutal naman malalaki at matatanda na rin kami.

Pinatong ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang balikat niya.

"Kung pwede ko lang kunin lahat ng sakit na naraarmdaman mo. Kung pwede lang sarili ko nalang ang masaktan at lumuha. Kung pwede lang na hindi mo na 'to maramdaman at maranasan. Gagawin ko ang lahat. Pero natapos na ang pagkakataon ko para gawin iyon." hinigpitan ko ang hawak sakanya.

"Mahal kita. Mahal na mahal. At katrayduran sa sarili kong kapatid na sinsabi ko 'to sa'yo ngayon. Siguro nga iniisip mong kalokohan lang 'to. Pero ngayon, seryoso na ko."

Pangako ko sa'yo.. na iyang mga ginuhit mo ay magkakatotoo.

Made for A Special Day (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon