Chapter 35

28 1 0
                                    

Chapter 35

Rose's POV

"Hayan pinagluto ko kayong dalawa ng paborito kong Sinigang." sabay subo sa kanilang dalawa ng sabaw.

"Arayy aray!"

"Ang init!"

"Ooopss.. Napaso ba kayo?" nakangisi kong sabi sakanila. Syempre sinadya ko un para mawalan sila panlasa. Malaman pa nilang masarap ako magluto.

"Teka nga muna, bat ba paborito mong pagkain ang inihain mo samin?" pinalo ko ng sandok si Yohan sa braso.

"Hmmph! Syempre para marami akong makain. Kayo tlga! Feeling niyo para sainyo yan?!" natawa na si Bryan.

"Red.. sa pagkakaalam ko di ka marunong magluto kaya sinadya mong pasuin kami para mawalan kami ng panlasa."

"HOY mga lalake! Magsitigil nga kayo sa kahibangan niyo! Ginawa niyo pang dahilan ang pagkakapaso niyo kunware! Hmmpphh! CHE!" sabay sandok ko ng kanin at sabaw. Nagmadali akong kumain para maiwan silang dalwa don at di na magreklamo pa.

Pagkatapos ko kumain ay dali dali akong umakyat sa kwarto ni Bryan.

Nakita ko ang isang diary don.

HMMMM! Mabuksan nga. WAHAHAHAHA.

Pero pagkabukas ko imbis na matuwa ako at matawa sa kakornihan ni Bryan ay hindi..

Bglang tumulo ung mga luha ko sa mga nakasulat sa diary niya..

Ganto pala sya naghirap nuon?

Pero para kanino kaya to?

Mahal na mahal niya ung babae pero walang nabanggit na pangalan. Bakit di niya sinabi sakin na may mahal sya nuon? Silent lover pa nga ang dating niya dahil di alam nung babae na mahal na mahal siya ni Bryan.

Bawat lipat ko nung pages parang masusuka ko sa sama ng loob at inis sa babae. Lagi daw kasi syang inaaway at iniisnob nito. Meron pa ngang time na pinagpalit sya nung babae, sobra daw syang nasaktan kasi di alam nung babae kung gano sya kamahal ni Bryan matagal na. Di daw niya masabi kasi alam niyang magagalit sakanya ung babae.. pero darating dn naman ang araw na malalaman nito ang tunay niyang nararamdaman.

Pero ang huli kong nabasa ang pinakamasakit at bigla akong natauhan..

"Kinimkim ko ang lahat ng sakit na makita siyang masaya kasama ang iba. Matagal ko na syang mahal. Di ako nagpakita sakanya after mamatay ni Mama.. kasi ayokong makita nya kong umiiyak. Iyakin pa naman yung babaeng yun. Mahal na mahal ko siya simula bata pa kami kaya lagi ko syang inaaway. Nakikibalita rin ako kung sang school siya naroon at doon din ako nag eenroll. OO tama ka dian.. Binabantayan ko sya palagi.. Sana.. Sana marealize nya na mahal na mahal ko sya at di ko maaatim na mawala sya sakin. Sana mapatawad nya ko kung naitago ko sakanya ung katotohanan. Ayoko lang magulo ko ulit ang buhay nya at maiwan lang ulit syang nasasaktan at umiiyak. Sabi nga nila, kung mahal mo ang isang tao dapat magsakripisyo ka para sakanya. Kulang pa rin tong mga nararamdaman ko para sa sakit na naramdaman niya.. Mahal na mahal kita Red Rose Parker."

Biglang may humablot nung diary sa mga kamay ko..

"B-Bryan.."

Made for A Special Day (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon