Chapter 29
"Hindi lang si Dean ang babawiin ko pati narin ikaw babawiin kona rin Dorean."
"Dorean"
"I'll do anything so that you'll love me again Dorean and if I had to risk then I'll do it and I won't stop until you'll say you love me again."
"Dorean"
"Dorean! "
Halos mapatalon ako dahil sa lakas ng pagtawag saakin ni Sarah dahilan para mabitawan ko ang bagay na hawak ko.
"Hala! " Aniya saka kaagad na pinulot ang basong nahulog ko.
Plastic lamang ito kaya naman mabuti na lamang at hindi nabasag, ilang oras akong natulala hanggang sa natauhan ako't pinulot ko ito, ramdam ko parin ang init ng mga pisngi ko dahil sa mga salitang binitawan saakin ni Sean dahil doon ay halos buong magdamag akong gising at hindi makatulog. Paulit-ulit na bumabalik ang mga salitang binitawan niya at ang mga ngiti nito saakin.
"Dorean, ayos ka lang? " Kaagad na tanong ni Sarah na kaagad naman ikinatango ko.
Ramdam ko parin ang pag iinit ng pisngi ko pero pinagsawalang bahala ko lamang ito at tumayo saka pinapatuloy ang pagpupunas sa mga baso, ramdam ko parin ang titig saakin ni Sarah pero hinayaan ko lamang ito.
The door suddenly opened and my body jolted as soon as I heard my son's voice giggling kasabay nun ang pagpasok nila ng kanyang ama. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko kaya diko maiwasang hindi maestatwa sa kinatatayuan ko. My body jolted as soon as Sean eyes met mine, hindi magawang iwasan ang kanyang titig habang papalapit itong buhat si Dean.
Nang makalapit na sila ay kaagad akong binigyan ni Sean ng ngiti, nakaawang ang mga labi kong nakatingin sa kanya hanggang sa bumalik nanaman ang salitang sinabi nito saakin kagabi sanhi para mag init ulit ang pisngi ko at mapayuko na lamang. Nanatiling ganun ang sitwasyon namin hanggang sa natauhan narin kami nang makarinif kami ng ubo sa likod ko kaya nilingon ko ang nakataas kilay na si Sarah habang di naalis ang ngiti sa labi.
"Sean, andito kana pala. Napaaga yata uwi niyo ni Dean" Sabi ni Sarah.
"Yeah, I just wanted to invite Dorean if he can come along, pupunta sana kami sa Amusement park at gusto ni Dean na kasama ang mama nito. That's why, can you come with us? " Nakangiting tanong saakin ni Sean.
Napatingin naman ako kay Dean na mukhang nagmamakaawa ganun din si Sean, iniwas ko ang tingin sa dalawa saka napatingin kay Sarah na nakangiti na para bang sinasabi nito na samahan ko ang dalawa. I love to go but I just don't want to be with Sean right now, after what he told me. How am I supposed to be with him without embarrassing myself.
"Sean.. I... I canno—"
"Sure! Sasama yang si Dorean hindi naman masyadong busy dito eh" Agad na singit ni Sarah dahilan para mapalingon ako dito at pinandilatan ng mga mata.
"Sunday ngayon, diba magiging busy tayo? " I smiled sarcastically.
"Hindi, sige na sumama kana. Kaya mo bang tanggihan yang ngiti ng anak mo? " Tanong ni Sarah saka nginusuan si Dean.
Napatingin naman ako sa anak ko at nakikita kong nakanguso na ito habang naiiyak dahil sa pagtatanggi ko sa alok ni Sean, mukhang magkasang ayon ang dalawa. Napabuntong hininga na lamang ako saka tumango.
"Yehey!!" Masiglang sigaw ni Dean saka ito tumawa.
Nagkatinginan naman kami ni Sean and he gave me those warm smile of him na halos ikahina ng mga tuhod ko, he whispered something na kahit na diko narinig ay naintindihan ko ito.
BINABASA MO ANG
Give me love (BXB)
RomansaDorean an omega who desire to be love by Sean the most successful dominant alpha who want his life is just to enjoy , drinking alcohol and have sex with some other omega but in unexpected event they got married, however Sean is not treating Dorean w...