Chapter 33

2.3K 117 3
                                    

Chapter 33

Days had passed since that night happened, hindi na ulit bumalik si Sean at madalas rin ang pag iyak ni Dean. A dominant can sense when there's something wrong to his/her parents kaya naman hindi ako mapakali kung ano ang posibleng nangyari kay Sean.

"Tell me honestly Dorean, mau nangyari bang hindi maganda sa inyo ni Sean nung gabing lumabas kayo? " Tanong ni Abel saakin.

Napatingin naman ako sa kanya saka napayuko. "I-I pushed him away. He told me he wants me back put I pushed him away" I murmured.

"Why? "

"Kasi natatakot ako" Naluluha kong sabi.

"Natatakot saan—"

"Natatakot ako na kapag nakita niyang minahal ko nanaman siya ng sobra sasaktan at sasaktan niya ulit ako! Ayaw ko ng masakatan! Pagod na akong masaktan" Tears suddenly fell into my cheeks.

Sobrang sakit ng nararamdaman ko, I know I still love Sean but I'm just so scared, I'm so scared that he'll probably hurt me again bakit kailangan niyang bumalik at guluhin yung nanahimik kong buhay. Ayos na ako na kami lang ni Dean pero bakit?

Lumapit naman si Abel saka ako hinila at niyakap, napahagulgol naman ako habang ramdam ko ang mahihinang tapik ni Abel sa likod ko, ibinuhos ko lahat ng sakit na naramdaman ko. I know I made the right choice but why do I regret it?

Bakit sobrang sakit?

Ilang minuto akong umiyak habang yakap ni Abel hanggang sa kumalma ako bago ako nito pinutol ang yakap namin.

"Anong plano mo? Ngayong pinagtabuyan mo siya? " Tanong niya.

"I-I'll remove his mark a-and I'll stay away from him " Seryoso kong sabi.

Ramdam ko ang malungkot na titig saakin ni Abel pero hinayaan ko lamang ito, I know my decision will probably hurt me and selfish but that was the only way to avoid the pain I had before, nakakatakot masaktan lalo na kung galing sa taong pinakamamahal mo.

"Paano si Dean? Are you just going to let him grow without knowing kung sino ang ama niya? " Aniya.

Napatingin naman ako sa kwarto ni Dean na paniguradong natutulog siya doon. "Saka ko lang ipapaliwanag sa kanya kapag malaki na siya"

"Papaano kung makahanap si Sean ng bagong mamahalin niya, ayos lang yun sayo? "

Natahimik naman ako sa sinabi niya, huminga ako ng malalim saka pilit na ngumiti. "Yes"

"No, you're not. "

"I have to, yun ang desisyon niya. If someday he could find someone that it'll make him happy then I'm fine with it because if that what's make him happy then it'll make me happy. Yun lang ang kayo kong gawin ang suportahan siya"

Natahimik si Abel sa mga sinabi ko, I may sound martyr for what I've said pero yun lang ang kaya kong gawin sa kanya ang suportahan siya sa magiging desisyon niya, if he wants to let go of me that it's okay.

Kasi nung una pa lamang ayos na saakin ang paulit-ulit niya akong saktan eh.

"Kailangan ko lang kunin ang mga natitirang gamit ko sa bahay niya at mag annul ng divorce paper" I mumbled.

---------------

Napatingin naman ako sa bahay na matagal ko ng hindi nakikita. Right now, I'm in front of Sean's house, ang dating bahay namin na lilisanin ko na habang buhay.

Hawak ko na ang mga papeles na kailangan pirmahan ni Sean at kailangan ko pang pumunta sa hospital para sa operasyon para sa pagtanggal sa aking marka.

Bumayad naman ako ng pamasahe sa taxi na sinakyan ko at bumaba saka pumasok sa loob, nagdoorbell ako pero walang sumagot. Naghintay ako ng ilamg minuto bago bumukas ang pinto at bumungad saakin si Aling Marites.

Kita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata habang nakatingin saakin. "Dorean? Dorean ikaw nga! " Natutuwang sabi niya saka ako niyakap.

Napangiti naman ako at yumakap pabalik sa kanya. "Kamusta kana? "

Bumitaw naman kami ng yakap. "Ayos naman po, kayo kamusta na? Anjan poba si Sean? " I said and smiled.

"Ayos naman ako, tuloy ka " Aniya saka ako pinatuloy sa bahay.

Natigilan naman ako nang makakita ako ng bote ng alak pati can beer na nakakalat sa sahig, napatingin naman si Aling Marites dito at kaagad na kinuha ito.

"Pasensya kana kung ang kalat ng bahay. Si Sir Sean kasi, simula nung umalis ka walang nagawa kundi ang magpakalasing, pilit ko na sinasabi sa kanya na tigilan niya pero umiinom parin habang nakatingin jan sa pinto. Inaasahan ang pagbabalik mo" Aniya na nagpatahimik saakin.

"Si Sean po nasaan? " Pag iiba ko sa usapan.

"Nasa loob ng kwarto niya, ilang araw hindi na lumalabas. Pumasok kana lang doon iho at mag aayos pa ako dito" Tumango naman ako saka nagtungo sa taas kung nasaan ang kwarto ni Sean.

Nang makarating ako ay natigilan ako sa tapat ng kanyang kwarto, puro sakit at lungkot lamang ang naaalala ko sa kanyang kwarto. I still remember how he bought a different omega in his room and how he sleep with them.

Napahawak ako sa doorknob saka dahan-dahan ito pinihit at laking gulat ko nang wala ni anino ni Sean ang nakita ko, his scent is also fainting like he never used this room, sinarado ko naman ang pinto saka tinungo ang mga guestrooms pero wala akong nakita Sean hanggang sa tinungo ko ang lugar na hindi ko pa nasubukang pasukan at yun ang kwarto ko.

Hinawakan ko ang doorknob saka dahan-dahan pinihit ito at doon ko nakita si Sean, nakahiga sa aking kama habang yakap-yakap ng mahigpit ang aking unan at damit.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa kanya, imagine a big man is hugging a sky blue pillow and a color peach shirt. Mas lumapit pa ako sa kanya at kaagad akong mapasinghap nang banggitin nito ang pangalan ko.

"Dorean" He mumbled.

I held my breath and waited for Sean to opened his eyes but he never did, does that mean he's still asleep, nakahinga naman ako nang maluwag but then I noticed something.

Para itong nahihirapang huminga at nanginginig kahit na hindi ganun kainit ang panahon kaya naman kinapa ko ang noo nito at halos mapamura dahil sa sobrang init niya.

He's sick.

Give me love (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon