Chapter 23

3.1K 161 3
                                    

Chapter 23

"Mag iingat ka dun ah" Nakangiti kong sabi kay Abel na nakasakay na sa kanyang kotse.

Ngumiti naman ito saka pinaandar ang kanyang kotse bago pinaharurot, kumaway naman si Dean sa kanya habang naiiyak parin ang bata biglang nagkaroon ng emergency meeting sa pinagtatrabahuan niya kaya kahit labag sa kalooban niya ay bumalik ito sa kanyang pinagtatrabahuan.

Nag tatrabaho si Abel sa isang kompanya, mabait ang boss nito at may asawa na pero hindi ko alam kung saan nag tatrabaho si Abel basta ang alam ko ay nasa mabuti siyang kompanya, pinaharap ko naman si Dean na ngayo'y namumula ang kanyang ilong at mata dahil sa kaiiyak.

As soon as he heard that Abel was going to leave again he started to cry, they were so close to each other na may oras pang magkatabing matulog ang dalawa. "You miss your tito Abel? " I asked softly.

My son pouted and he's starting to cry again kaya naman niyakap ko ito saka napangiti. "Don't worry, babalik din si tito Abel mo. How about we'll go to a mall? "

Napaatras naman ito para makita ko ang kaagad na pag iba ng kanyang ekspresiyon, his blue eyes sparkled saka mabilis na nagtatango ito. A small chuckle escaped from my lips as I saw his reaction, he's so cute. Hinalikan ko naman ito sa pisngi na kaagad niyang kinatuwa.

Bumalik naman kami sa loob saka dahan-dahan ibinaba si Dean at kinuha ko ang wallet ko, napatingin naman ako sa salamin na nasa tabi namin and Sarah was right, the root of my hair is turning blonde, napahawak naman ako sa batok ko na hanggang ngayon ay nandito parin ang marka ni Sean saakin napabuntong hininga ako saka napatingin kay Dean na dahan-dahan papalapit saakin.

He knows how to walk and he was so cute carrying our cap, kinuha ko naman ito at sinuot ko ang sumbrero ko saka pinasuot naman ang sa kanya.it's a matchy cap, may nakalagay sa sumbrero niyang "Baby" At habang saakin naman ay "Mommy". Gusto ko sana Papa or Daddy man lang kaso wala akong mahanap kaya eto na lang.

Hinawakan naman nito ang daliri ko saka nagsimula kaming maglakad palabas ng bahay, medyo ibinababa kopa ang sarili ko dahil sa liit nito na naglalakad, naghanap kami ng masasakyan hanggang sa may humintong tricycle sa harapan namin, binuhat ko naman si Dean saka sumakay na kami.

" Kuya sa mall po " Tumango naman ito saka pinaharurot ang kanyang tricycle.

Nangingiti naman si Dean habang nakatingin sa paligid, minsan lamang kaming lumabas dahil sa busy ako sa pagtatrabaho at madalas sa palengke na lamang kami nakakabili. Nang makarating kami ay nagbayad kami ng pera kay kuya saka bumaba na kami.

Napangiti naman ako nang mapasigaw sa tuwa si Dean nang nasa harapan na namin ang malaking mall, binuhat ko muna ito bago kami pumasok sa loob ng mall, nginitian naman kami ng guard saka kumaway ito sa anak ko na kaagad naman sinuklian ng anak ko ng ngiti.

Napahawak ang guard sa kanyang puso na tila natuwa sa pagngiti ng anak ko sa kanya na ikinatuwa naman nito, nang tuluyan na kaming makapasok ay napangiti ng husto si Dean lalo na sa mga laruang nakikita nakikita niya.

"Mama, I want, want" Sabi nito saka tinuturo ang mga laruan.

"Okay pero mamaya na lang dahil bibilhin muna natin yung dapat bilhin. Okay? " Tanong ko dito.

Tumango naman ito, hinanap naman namin ang mga dapat namin bilhin tulad ng mga pagkain, mga gamit na magagamit sa bahay, bagong damit atsaka pangkulay sa aking buhok para matakpan ang dating kulay ng aking buhok.

Nang matapos na ako sa pinamimili namin ay tinungo namin ang mga laruan, nakahawak sa aking kamay si Dean saka naglakad na lamang ito dahil sa pinamili ko, hindi pa kasi tuluyang natatapos ang mall kaya naman kulang pa sila ng mga gamit tulad ng grocery cart kaya basket na lamang ang nagagamit namin.

Give me love (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon