"Nandiyan na siya!"
"The Queen's here!"
"Oh my gosh, she's pretty!"
"Hai Queen!"
"Good morning Queen!"
Lahat ng mga estudyanteng nadadaanan ko ay nakatingin sa 'kin at binabati ako habang naglalakad lang ako ng elegante sa hallway. Of course, I'm the Queen. Everyone idolizes me and compliments my greatness. Walang makakatalo sa 'kin.
"Kahit kailan talaga napaka sikat mo, Queen," kumento sa 'kin ni Lorraine na nasa left side ko.
"Oo nga. Mas gumaganda ka pa," dagdag ni Mira na nasa right side ko naman.
I rolled my eyes. "Of course, I am the Queen, I have everything," may yabang na sabi ko. "Kahit nga kayo walang ibinatbat sa 'kin."
"Yes. Of course," sang-ayon ni Mira.
"You're always the number one," sabi naman ni Lorraine.
I'm Bella Loreto, likes compliments and hates ugliness. Lahat ng mga tao alam na 'yan.
"Queen!" Bigla kaming napatigil nang makita ang tatlong 'eww' na lalakeng lumapit sa 'min. Ang dalawa sa kanila ay may dala-dalang isang babaeng naka-eyeglass at halatang tinapunan ng kung anong coffee dahil sa kulay brown na mantsa sa blouse nito.
"Nakita namin siya kanina sa library kaya dinala na namin sa 'yo Queen." Ngisi nung pangatlong lalakeng may pangit na haircut. But anyways, napangisi ako sa sinabi niya kaya bumalik ang aking tingin do'n sa babae at nakahalukipkip na lumapit dito.
"Video-an n'yo bilis!"
"Oh my gosh! Rarampa ulit ang Queen!"
"I'm excited!"
Sa isang iglap, mas rumami ang mga tao sa paligid and what for? It's because my morning show is about to start. Tumapat ako sa babae sabay bahagyang yumuko para makita ang mukha nitong nag-uumapaw sa kapangitan.
BINABASA MO ANG
I Broke that Devil's Heart
Teen FictionBella Loreto o kilala rin bilang Campus Queen-a famous brat. She have everything na ika-iinggit ng lahat, except a good brain. Aside from being a 'Queen' and all, she's great at oppressing the weak-a bully, in short. However, a single incident took...