BELLA LORETOMuntik na akong mapangiwi nang mabasa ito. Bakit may young master pa? Ang laman ng papel ay ang mga weekly na gagawin ko. 'Yung mga dapat kong ihandang pagkain niya everyday, 'yung oras ko ng paglilinis, at kung ano-ano pa.
"Dapat mong tandaan lahat ng 'yan kase kung nagkamali ka, kaltas kaagad sa suweldo mo, maliwanag?"
Nagpabalik-balik muna ang tingin ko kay Kayden at sa papel bago napatango. "Okay. Maliwanag," sagot ko.
"Good. Heto rin pala 'yung duplicate key sa unit ko." Itinapon niya sa 'kin kaagad ang susi sunod ay ang kaniyang bag. Buti na lang nasalo ko kaagad na pareho. "Sa classroom," sabi niya at tinalikuran na ako.
Napabuntong-hininga na lang ako at sumunod sa likuran niya. Ibinulsa ko na rin ang susi at habang buhat-buhat ko ang bag niya, hindi ko maiwasang napansin na napaka-gaan nito.
"Ang gaan." I mean dapat may laman man lang sanang notebook o book pero parang wala naman.
Sinulyapan niya ako. "Bakit masyado bang magaan para sa 'yo? Gusto mong lagyan ko ng bato 'yan?" tanong niya.
"H-hindi." Narinig niya pala.
Pagkarating namin sa classroom niya ay gulat ako nang makita si Mira at Lorriane. Magkasama ulit sila Josh at Mira. Napangisi ang dalawang babae nang makita ako.
"Well, it's nice to see you again, whore," sabi ni Mira, napayuko lang ako.
"Good morning, Kayden," bati ni Lorriane pero dinedma lang siya ni Kayden sabay umupo sa kaniyang upuan, sa harapan lang ni Josh.
"Bakit ba kasama mo na naman 'yang babaeng 'yan? Huwag mo sabihing kayo na?" tanong ni Kayden kay Josh at medyo bakas ang pagka-irita sa kaniyang boses. Halatang 'di niya gusto si Mira.
Bahagyang napatawa si Josh. "Alam kong ayaw mo siya pare, pero huwag kang harsh sa kaniya. Tsaka nililigawan ko na siya," sabi nito.
"Oo nga. Kung ano mang nangyari noon, past na 'yon," sabi ni Mira at nilingon ako. "Pero siyempre hindi pa rin pwedeng patawarin ang mga malala."
Ibinilagay ko na ang bag ni Kayden sa upuang tapat niya lang. "Aalis na ako," nakayukong paalam ko kay Kayden.
Astang tatalikuran ko na sana sila nang bigla siyang nagsalita, "Bilhan mo ako ng chocolate drink," utos niya at itinuro ang tatlo sa likuran niya. "Bilhan mo na rin sila."
"Huwag na sa 'kin. Ikaw, Mira?" tanong ni Josh sa katabi nito.
Napangiti si Mira. "Milktea na lang," sagot nito.
"Sprite sa 'kin," sabi naman ni Lorriane.
Napatango ako. "Sige." Nagtungo na ako kaagad sa cafeteria at bumili ng mga inumin nila. Binilisan ko pa ang paglakakad dahil ilang minutes na lang ay magta-time na. Pagka-abot ko ng mga inumin nila ay wala na naman na silang sinabi kaya nagpaalam na ulit ako para pumunta na sa classroom.
The rest of the day is just like a typical routine for me. Discussions at quiz, then pagsunod sa mga utos ni Kayden every lunch at recess. Kinamusta rin ako ni Leila sa naging work ko sa laundry shop at sinabi ko naman na okay lang. Nothing special.
"Sige. So ngayon, simulan natin sa pinaka-basic," sabi sa 'kin ni Kayden sabay ibinigay ang isang itlog. "Lutuin mo 'yan."
Ginawa ko naman ito. Gumamit ako ng kutsara para bitakin 'yung itlong pero naka-ilang tama pa ako ng kutsara rito kaya may mga eggshells nang naisama nung bumukas 'yung itlog at dumiretso sa pan.
BINABASA MO ANG
I Broke that Devil's Heart
Teen FictionBella Loreto o kilala rin bilang Campus Queen-a famous brat. She have everything na ika-iinggit ng lahat, except a good brain. Aside from being a 'Queen' and all, she's great at oppressing the weak-a bully, in short. However, a single incident took...