LEILA MARQUEZ
Sa hapong din 'yon ay si Josh na ang naghatid sa 'kin sa bahay ko. Hawak niya pa ang kamay ko habang nagmamaneho. Punyeta, mamatay na ata ako sa tuwa. Out of nowhere na-conscious pa ako kasi baka mag-pasma ang kamay ko sa sobrang pag-iinit ko kanina.
It's just surreal. Hindi ko akalaing mangyayari ito sa buhay ko. I mean, ang alam ko lang talaga ay mag-aral lang at tuwing nakakakita ako ng mga lovers ay napapa-irap na lang ako. Never I've imagine na mararanasan kong ma-inlove and it was amazing.
Nang mapatapat ang kotse sa harapan ng bahay ay parang nakaramdam ako ng lungkot. Nakarating na kami kaagad. Bwisit na oras, 'di man lang mag-slowdown. Bumaba naman na kaming pareho sa kotse. Napatayo muna ako habang siya naman ay lumapit sa 'kin. Napahawak siya sa kaniyang batok.
"Uhm, hanggang dito na lang...?" sabi niya.
Bahagya akong napatawa. "Bukas na lang ulit." Hinawakan niya ang aking mga kamay at maamong ngumiti sa 'kin.
"Sige. Bukas na lang ulit," sabi niya, "hintayin na kitang pumasok sa bahay n'yo."
"Hindi, hintayin kitang umalis muna," sabi ko.
"Pumasok ka na."
"Mauna ka na."
"Ikaw na lang muna."
"Ikaw na." Pareho na kaming napatawa at ang ikinagulat ko ay binigyan niya ako ng saglit na halik.
"Kung hindi ka pa aalis, baka i-uuwi na kita," sabi niya.
Nanlaki kaagad ang aking mga mata. "S-sige. Mauna na ako." Binitawan na niya ako kaya nagsimula na akong maglakad papasok sa 'king bahay. Bago ako tuluyang makapasok sa pintuan ay nilingon ko pa siya at naroon pa nga siya sa labas. Nakangiti pa rin at kinawayan pa ako. Napangiti na lang ako saka pumasok na sa loob.
My heart, para itong sasabog sa sobrang saya. Mamatay na ata ako. No, ayaw ko pang mamatay.
"At sino ang lalakeng 'yon?"
Napatigil ako nang biglang may nagsalita sa gilid ko. Sa isang iglap ay sumama ang mood ko. Napalingon ako sa witch. Nakatayo siya nga siya at nakahalukipkip, hinihintay ang sagot ko.
"It's none of your business," malamig na sagot ko at nagsimula nang maglakad paalis dahil ayaw ko pang mas masira pa ng tuluyan ang mood ko.
"Sasaktan ka lang niya."
Napatigil ako kaagad at ramdam ko ang pagkulo ng dugo ko. Hinarap ko siya. "At ano bang alam mo sa kaniya para sabihin 'yan?!" napataas-boses kong sabi. Nanatili namang blangko ang kaniyang mukha.
"Sa isang tingin lang, alam ko nang iiwan ka niya. Kaya kung ayaw mong masaktan ka, mas mabuting layuan mo na lang siya kaagad."
Tsk. Ano pa bang in-e-expect ko sa witch na 'to? Palagi naman siyang tutol sa lahat. Shit lang talaga.
"Wow. Salamat sa payo," sarkastiko kong sabi.
"Hula ko, hindi ka pa niya sinasabihan ng I love you," dagdag niya na saglit kong ikinatigil.
Shit ulit.
Bumuntong-hininga na lang ako at napatango. "Okay. Wala na akong pakielam sa sasabihin mo. Pero 'yung ayaw ko lang ay basta mo na lang i-judge ang ibang tao o relationship kung wala ka naman talagang alam." Tinalikuran ko na siya no'n at padabog na pumunta sa kuwarto ko.
Buwisit. Ang kapal ng mukha niyang sabihan ako ng gano'n. Ni wala nga siyang pakielam sa 'kin. Hindi ko hinihingi opinion niya! Punyeta!
Napahiga na lang ako sa 'king kama at niyakap si Josh jr. Pero tama siya. Never ko pang narinig ang I love you mula kay Josh. Sinabi niya lang na gusto niya ako. Bahagya naman akong nakaramdam ng panlulumo.
BINABASA MO ANG
I Broke that Devil's Heart
Teen FictionBella Loreto o kilala rin bilang Campus Queen-a famous brat. She have everything na ika-iinggit ng lahat, except a good brain. Aside from being a 'Queen' and all, she's great at oppressing the weak-a bully, in short. However, a single incident took...