Chapter 25

321 12 0
                                    


BELLA LORETO





"Good. Pinagpapawisan ka na rin," rinig kong sabi ni Kayden pero half-conscious ako kaya hindi ko na siya tinignan at ipinagpatuloy na lang ang pagtulog.



Unti-unti ko nang iminulat ang aking mga mata at ang una kong nakita ay ang kulay puting kisame. Agad kong napansin naman na parang may katabi ako kaya napalingon ako sa 'king kanan. Do'n ako medyo nagulat nang makita si Kayden na nakahiga na sa tabi ko at natutulog. Nakatagilid ito paharap sa 'kin habang nakapatong naman ang kaniyang ulo sa isa niyang braso. He was sleeping peacefully.




Napatagilid na rin ako at pinagmasdan ang kaniyang mukha. Ang alam ko lang talaga noon below average lang siya pero kung iisipin ko ngayon, dahil siguro sa magulo niyang buhok dati kaya hindi talaga makita 'yung mukha niya. Hindi lang siya nagbago sa physical, nag-iba na rin ang ugali niya. He became harsh. At kasalanan ko iyong lahat. I made him like this. Napakagat ako ng labi at pinigilan ang sarili kong mapa-iyak.

I miss the old Kayden.



Agad akong napatigil nang unti-unting napamulat ang kaniyang mga mata at bago pa man magtama ang aming mga tingin ay agad akong nagtalukbong ng kumot.



Ramdaman ko naman ang paggalaw niya sa gilid ko. "Alam kong gising ka. Ano? Kamusta pakiramdam mo?" tanong niya.


Bahagya kong ibinaba ang kumot para silipin siya. Naka-upo na pala siya at nakahawak sa bridge ng kaniyang ilong. "G-gumagaan na pakiramdam ko," sagot ko. Hindi na gano'n kabigat ang pakiramdam ko at wala na rin ang sakit ng aking ulo.



Napatingin siya sa 'kin sabay napahilot naman sa kaniyang batok. "Ginigising kita kanina for lunch pero tulog na tulog ka. Gutom ka na ba?"



Ngayong natanong niya, naramdaman ko na nga ang gutom. "Oo... uhm, kahit lugaw lang." Napatango naman siya at napatayo na saka umalis. Sumilip naman ako sa labas ng bintana at nakitang madilim na pala.


I just slept for the whole day.


Kinain ko naman na kaagad ang lugaw na ibinigay niya at kahit nahihiya man ay humingi pa ako ng pangalawang bowl na ibigay niya rin naman ng walang sinasabing iba. After no'n ay uminom na rin ako ng gamot ko tsaka tinignan niya rin ang aking temperatura and fortunately, nag-normal na.




Napabuntong-hininga na si Kayden na nakatayo sa gilid ko habang ako naman ay naka-upo pa rin sa kama. "Sa wakas nawala na rin lagnat mo," sabi niya. Napakurap ako nang bigla niya akong tinignan ng sobrang sama. "Bakit ba hinayaan mong maulanan ka na lang ha?! Alam mo namang mabilis kang makakuha ng sakit 'di ba?!" napataas-boses na sabi niya.



Napalaro ng darili at bahagyang napayuko. Wala na akong alam na sabihin kundi ang mag-sorry. "S-sorry," sabi ko habang hindi makatingin sa kaniya ng diretso.




"Paano kung mas nahuli pa ako sa pagpansin na umuulan pala ha?! E 'di parang tanga ka lang na magpapabasa hanggang sa—" hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin at mariing napapikit na lang. Napabuntong-hininga ulit siya na parang pinakalma ang kaniyang sarili. "Bakit ba kita dinala ro'n?" mahinang tanong niya sa kaniyang sarili.




Napa-iwas ako ng tingin. Alam ko kung bakit, iyon ay para iparanas mo sa 'kin kung paano mapahintay ng ilang oras and I'm not angry with it kasi alam kong nababagay lang 'yon sa 'kin.


"Huwag kang mag-aalala. This would be the last time na bibigyan kita ng problema," sabi ko at napahiga na saka nagtalukbong.






I Broke that Devil's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon