KAYDEN MORGANAng pinaka hindi ko talaga inaasahan ay no'ng hindi sinasadyang nagkita kami ng daddy niya. Kakagaling lang namin no'n ni Bella sa school at dumiretso ako sa bahay nila dahil pupunta ulit kaming mall. Hilig niya rin kasing mag-shopping. Nasa living room ako no'n at hinihintay si Bella na makapagpalit nang biglang dumating 'yung daddy niya.
Ang alam ko sa daddy niya, napaka busy niyang tao pero hindi ko alam kung anong ugali niya kaya kinabahan ako kaagad. Ang hindi ko inaasahan ay bigla itong ngumiti sa 'kin.
"Oh, ikaw ba 'yung boyfriend ng princess ko ngayon?" tanong niya at umupo sa sofa na katapat ko lang.
"O-opo," sagot ko. Tinatawag niya palang prinsess si Bella.
"Really? Sa wakas naman at may nahanap na matinong lalake ang princess ko. Marami siyang nagiging boyfriend pero ikaw lang 'yung nakaharap ko ng ganito." Medyo nagtaka ako nang tawagin niya ako kaagad na matino. Matino naman talaga ako pero hindi ko in-e-expect na 'yon na ang nakikita niya sa 'kin kung ilang segundo pa lang kaming nagkaharap. "Anong pangalan mo?" tanong niya.
"Kayden po."
"Gaano na kayo katagal ng princess ko?"
"4 months pa lang po."
Napataas ang magkabila niyang kilay na parang namangha. "Matagal ah. Karaniwan kasi one month lang ang tinatagal ng iba niyang boyfriend o 'yung iba tatlong araw lang," sabi niya at tumawa. Medyo nag-relax naman ako dahil mukhang hindi nga nakakatakot ang daddy niya. Napapa-isip pa rin ako kung alam niya ba kaya ang nangyari sa 'min ni Bella? "Alam kong nahihirapan ka rin sa ugali niya 'di ba?"
Napailing naman ako. "Hindi po."
"'Yung totoo?" tanong niya at medyo sumeryoso siya.
"U-uhh, medyo po," pag-amin ko.
Napasandal siya sa backrest ng upuan niya. "Pagpasensyahan mo siya. Ganyan talaga ang batang 'yan. Nakakalungkot lang dahil hindi ko siya masyadong mabigyan ng tamang oras para sa 'min. Gusto niya ng atensyon ng iba kasi hindi ko 'yon mabigay sa kaniya. Kaya kung minsan napipilitan akong pumayag na lang sa kung anong gusto niya."
"Daddy!" Napatigil kaming lahat nang makita si Bella na nasa tuktok ng hagdanan. Gulat nang makita ang daddy niya. "Ba't ang aga n'yo naman?" tanong nito at nagsimula nang bumaba sa hagdanan.
"Pwede bang humingi ng pabor?" Napabalik ang aking tingin sa taong kaharap ko. Nakatingin na pala siya sa 'kin at kahit na seryoso siya, maamo pa rin ang kaniyang mukha. "Please protect her and stay by her side. Kahit na may kasamaan ang ugali niya, hindi naman talaga siya ganoong kalala."
I know. I know. Hindi talaga siya bitch pero gustong gusto niya lang talaga ang atensyon. Sa sinabi ng daddy niya, mas nagkaroon ako ng rason para manatili sa tabi ni Bella para protektahan siya o palaging nandiyan tuwing kailangan niya ng tulong.
Pero... hindi ko rin 'yon nagawang gawin.
Pagkatapos na pagkatapos ng meeting namin sa SC office ay hinablot ko na kaagad ang aking bag at tumakbo na papunta sa classroom ni Bella para sunduhin siya. Nagkaroon kasi siya ng remedial class dahil bumagsak siya sa isang quiz nila kaninang umaga. Baka hinihintay niya pa ako, ayaw niya pa namang napapahintay. Pagkatapat ko sa classroom nila ay napatigil ako nang makita ang dalawang tao ro'n—si Bella na may kahalikang ibang lalake. Nabitawan ko ang bag ko sa gulat. Naging inggay na rin naman 'yon para mapatigil sila at lingunin ako.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Bella pero ang lalake ay biglang napangisi sa 'kin, halatang natutuwang nahuli ko sila. Parang dinurog lang 'yung puso ko sa 'king nakita. Siguro nga tanga rin ako dahil hindi ko man lang kayang magalit kay Bella. Umalis na lang ako.
BINABASA MO ANG
I Broke that Devil's Heart
Teen FictionBella Loreto o kilala rin bilang Campus Queen-a famous brat. She have everything na ika-iinggit ng lahat, except a good brain. Aside from being a 'Queen' and all, she's great at oppressing the weak-a bully, in short. However, a single incident took...