Chapter 4

386 16 1
                                    

BELLA LORETO


Napahingal-hingal akong napabalik sa classroom ko. Suwerte na lang siguro ako dahil saktong nag-time na kaya hindi na makakapasok si Kayden dito.


"Hui, Bella! Nangyari sa 'yo?" pamungad na tanong ni Leila sa 'kin sabay napatingin sa kabuuan ko. "Bakit ang dumi mo naman ngayon?"


"W-wala... natisod kasi ako kanina sa damuhan," sagot ko at pumunta na rin sa 'king upuan. Gusto niya pa sanang pero saktong dumating na ang teacher namin kaya wala na siyang nagawa kundi ang umupo na rin.

Napatigin ako sa 'king nanginginig na kamay na may hawak ng kulay gintong kuwintas.

First Anniversary gift…







<<<<< FLASHBACK<<<<<<<

"Not there, Andrei!" nakikiliting sabi ko nang sinimulan na niyang halikan ang leeg ko. Nasa music room kaming dalawa ngayon at naka-upo ako sa kaniyang lap habang siya naman ay naka-upo sa isang wooden chair. Wala ring tao ngayon dito bukod sa 'min dahil lunch time na.

"You smelled nice, Bella," kumento niya habang walang tigil pa rin sa paghalik sa 'king leeg.

"Stop it. Nakikiliti ako," pigil ko kaya tumigil na siya sabay tumingin sa 'kin at nginisihan.

"I want you, Bella. Bakit hindi mo na hiwalayan ngayon 'yung lalakeng 'yon?" tanong niya.

Bahagya akong napa-iling. "I'm sorry but I still can't," simpleng sagot ko.

Maybe not now…

"Why?"

Nginitian ko siya. "Malamang mawawalan ako ng alalay."

Napasimangot siya. "Pwede ka namang makahanap ng ibang alalay, Bella. O kahit i-break mo siya pero mananatiling alalay mo pa rin siya," sabi niya.

Napaikot ang aking mga mata. "Basta, hindi pa ngayon, Andrei. Don't worry, mas bibigyan kita ng time kaysa ro'n." I wrapped my arms around his neck sabay inilapit ko na ang aking mukha sa kaniya at hinalikan.









Dismissal na at palabas na ako sa school building mag-isa nang agad din akong napatigil no'ng biglang may tumawag sa 'kin.

I Broke that Devil's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon