Chapter 37

286 11 0
                                    

LEILA MARQUEZ

Date. A freaking date.


Ughh.



Napatingin ako sa full-length mirror na nasa harapan ko at tinignan ang sarili ko. Ang usapan namin ni Josh ay ngayong 9:00 A.M ng Saturday kami magkikita sa harapan ng Amusement park pero 7:30 na ay naka-green pajama pa lang ako at iniisip kung ano bang susuotin. Anyway, siya rin ang nag-decide ng venue at hinayaan ko na lang. I mean date? Psh, ito ang first time ko tapos napilitan lang din ako.


Pero nandito umiikot ang mga tanong sa 'kin, dapat ba akong magsuot ng magandang damit? Dapat ba akong magpaganda?



Napangisi naman ako ng masama. Heh. As if. Pumunta na ako sa malaki kong closet at naghanap ng pinakaaaa baduy na damit. Tumigil ang aking tingin sa flowery pattern na blouse do'n at isang black slacks. Great. Kinuha ko na ang mga 'to at pumasok na sa bathroom. Nang matapos akong naligo ay isinuot ko na ang mga ito saka agad na humarap ulit sa salamin.


Wow. Mukha akong manang nito. Pero kulang pa.



Itinali ko ang aking buhok at kumuha ng mga makeup. Naglagay ako ng red na lipstick, kulay violet na eyeshadow at blush-on. Tinapos ko ang lahat sa pagsuot ng aking blue sneakers. Amazing. Para akong clown na manang with matching eyeglasses pa.




Na-satisfied na ako kaya kinuha ko na ang aking white sling bag at lumabas na ng kuwarto.



"Sus Maryosep! Sino ka?!" gulat na tanong ni manang Jully sabay itinutok sa 'kin ang hawak niyang sandok.

"Manang, ako 'to. Si Leila," sabi ko.


"L-Leila? Ikaw ba 'yan? Bakit ka nakaganyan? Kamuntikan na kitang hindi makilala!"


Napangisi ako. "May gusto lang po akong sorpresahin."


"At sino naman 'yon?"


"Kakilala ko lang po sa school, magkikita po kasi kami."


Napatango-tango siya halatang hindi makapaniwala pa rin sa ayos ko ngayon. "Gano'n ba? O sige, kumain ka muna bago pumunta."



Umiling ako. "Hindi na po. Busog pa ako." Sa sobrang excite ko ay wala na akong ganang kumain at gusto ko na lang makita ang itsura ni Josh kapag makikita niya ako. It would be nice 'tapos magiging grabe ang pagsisisi niya dahil inalok niya ako ng punyetang date.



Masaya na akong pumasok sa itim na van at nagpahatid sa family driver namin. Matapos ang ilang minuto ay tumigil kami sa harap ng malaking gate ng amusement park. Bumaba na ako at ang una kong ginawa ay ang hanapin si Josh pero wala pa siya.

9:10 na 'e. Kahit kailan talaga late siya. Dito pa naman sa harap ng amusement park ang pagkikitahan namin.

"Mommy! Mommy! Clown oh!" sabi ng isang batang napadaan sabay itinuro ako.



"What? Hindi siya clown honey," sabi naman nung nanay. Mukhang nahalata niya ah. "Come on, nandoon 'yung clown." Hinila na niya ang kaniyang anak pero ang bata ay 'di pa rin inaalis ang tingin sa 'kin kaya pinanlakihan ko ito ng mga mata saka nginitian.



Para naman itong natakot sa 'kin. "Uaaaahhh!" biglang iyak nito.


Oppss.



Tinalikuran ko na lamang ito at do'n naman saktong napadapo ang aking tingin sa isang lalakeng papalapit sa 'king direksyon. Nakasuot ito ng white long-sleeved polo na naka-tuck in sa black pants niya at naka-ayos naman na suklay ang kaniyang buhok palikod sa kaniyang ulo. It was simple at ayaw ko man aminin pero ang gwapo niyang tignan. Parang ito lang kasi ang pinaka-unang pagkakataon na nakita ko siya in other clothes except sa school uniform. Aba'y masisira ang confidence niya ngayon. Tumigil naman siya at inilibot ang mga mata sa paligid, siguradong hinahanap niya ako. Hinintay kong maitama ang kaniyang tingin sa 'kin at no'ng nangyari nga, mahina akong napatawa nang hindi niya ako namukhaan.


I Broke that Devil's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon